Bonifacio Day, pagpapaalala sa ipinaglalaban ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,831 total views

Hamon sa bawat Filipino na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa tunay na Kalayaan, katarungan at kapayapaan sa lipunan.

Ito ang tuwinang pagpapaalala sa mga Filipino ng taunang paggunita ng araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio na tinagurian bilang Father of the Philippine Revolution at isa sa mga bayani na nagsulong ng kasarinlan ng bansa laban sa pananakop ng mga Espanyol mahigit 100-taon na ang nakakalipas.

“He led really the revolution ng pagbabago, yung KKK siguro so every time we celebrate Bonifacio we remember him as someone a great nationalist, who was leading the revolution against the imperial or colonial Spain, so he is known also every time we celebrate November 30th we also remember the unfinished revolution or the unfinished struggle of the Pilipino people at that time for freedom, for independence, for autonomy…” ayon kay Fr. Buenafe, O.Carm. sa panayam nbg Radio Veritas.

Paliwanag ng Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) si Gat Andres Bonifacio ay isang inspirasyon sa patuloy na pakikibaka para sa kapakanan ng taumbayan mula sa iba’t ibang suliraning panlipunan at kawalan ng katarungan sa bayan.

Binigyang diin naman ni House Speaker Martin Romualdez na nakatatak sa bawat Filipino ang pagiging bayani tulad ni Gat Andres Bonifacio dahil nananalaytay sa dugo ng bawat Pilipino ang pagiging makabayan.

Sa paggunita sa ika-159 kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio inihayag ni Romualdez na likas sa bawat isa ang pagmamahal sa bayan na nakikita sa pagmamahal sa pamilya, komunidad at sa bayan.

“Bonifacio’s ideals are in all of us, and patriotism runs in the blood of every Filipino. Love of country is an innate trait we all share, and this manifests in how we protect our families, our communities and our way of life.” ayon kay Romualdez.

Hinikayat din ni Romualdez ang publiko na magkaisa para sa sama-samang pagbangon ng bansa at pagharap sa mga pagsubok katulad ng pandemya at krisis pang-ekonomiya.

Ayon pa sa mambabatas, mahalagang alalahanin ang kabayanihan at sakripisyo ni Andres Bonifacio para makamit ng Pilipinas ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan.

Una na ring inihayag ni dating CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles na bukod sa pagkilala sa mga nakaraang bayani, marapat ding bigyan pugay ang mga bayani ng kasalukuyang panahon na walang pag-iimbot na nagtatanggol sa bayan lalo na sa panahon ng pagsubok.

(with Marian Navales-Pulgo)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 23,705 total views

 23,705 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 48,021 total views

 48,021 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 83,811 total views

 83,811 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 125,291 total views

 125,291 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 177,018 total views

 177,018 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top