Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahalagahan ng matatag na pamilya

SHARE THE TRUTH

 580 total views

Mga Kapanalig, sinabi ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Amoris Laetitia na ang bawat bata ay may karapatang tumanggap ng pagmamahal mula sa isang ina at ama para sa kabuuan at maayos niyang pag-unlad. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng bata ay nakararanas ng pagmamahal mula sa isang ama’t ina.  

Ayon sa datos ng World Health Organization (o WHO) noong 2021, tinatayang nasa 14 hanggang 15 milyon ang solo parents sa Pilipinas, 95% sa kanila ay babae. Iba’t iba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawang Pilipino. Ito ay maaaring dahil sa problemang pinansiyal, kawalan ng komunikasyon, karahasan, at pagtataksil. Base sa obserbasyon ng mga eksperto, ang mga batang naiipit sa problema ng kanilang mga magulang sa panahon ng paghihiwalay ay nagkakaroon ng problema sa atensyon at konsentrasyon, problema sa pag-aaral, hirap sa pag-manage ng galit at negatibong emosyon, hirap sa pagtulog, at iba pang problemang sikolohikal.

Dahil dito, naging makabuluhan ang kauna-unahang pagkakataong kinilala ng Korte Suprema na porma ng psychological violence ang marital infidelity at ito ay labag sa Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act.  Sa kasong tinalakay ng Korte Suprema, ikinasal ang inireklamong lalaki sa kanyang asawa noong December 2006, at nagkaroon sila ng isang anak. Nangibang bansa ang babae upang magtrabaho noong 2008. Nalaman ng asawang babae ang pakikipagrelasyon at pagkakaroon ng anak ng kanyang asawa sa ibang babae noong May 2015. Taong 2016 nang hinatulan ng korte ang lalaki ng paglabag sa Section 5(i) ng Republic Act No. 9262 dahil sa emotional and psychological abandonment. Ang Section 5(i) tungkol sa uri ng pang-aabuso kung saan nagdudulot ito ng mental at emosyonal na pagdurusa (o anguish), katatawanan, at kahihiyan sa isang babae at/o bata dahil sa paulit-ulit na pang-aabusong verbal at emosyonal, hindi pagbibigay ng suportang pinansiyal, at iba pa.  

Naghain ng apela ang lalaki sa Court of Appeals, ngunit ibinasura ang kanyang petisyon. Dito nagpasya ang lalaking dalhin ang kaso sa Korte Suprema. Ngunit sa pasya ng Korte Suprema, napatunayan nito ang marital infidelity ng lalaki. Nakita rin ng korte ang sikolohikal na traumang idinulot ng lalaki sa kanilang anak na babae nang umiyak siya sa hukuman habang isinasalaysay ang pagtataksil ng kanyang ama. Paliwanag ng anak, labis siyang nasaktan dahil may ibang pamilya ang kanyang ama at nagmahal ng ibang babae maliban sa kanyang ina. Ayon sa Korte Suprema, hindi kailangang patunayan na naging “psychologically ill” ang biktima. Sapat na ang emosyonal at mental na pagdurusa upang mapatunayan ang personal ang mga karanasang ito.  Ang nakalulungkot, siyam na taong gulang lamang ang bata nang naging witness siya sa korte para magbigay ng salaysay. Patunay itong hindi lang ang asawang babae ang nakararanas ng mental at emosyonal na pagdurusa. 

Malaki at malalim ang epekto sa mga bata kapag ang kanilang mga magulang ay hindi nagkakasundo. Naaapektuhan nito ang mental at emosyonal na kapakanan ng isang tao mula pagkabata na maaari niyang dalhin sa kanyang pagtanda. Nagiging daan ang pagkakaroon ng malusog na relasyon ang isang pamilya sa pagkatuto ng isang bata tungkol sa halaga at kahulugan ng pagmamahal, paggalang, pananampalataya, at pagmamalasakit.  

Mga Kapanalig, nagagalak ang Simbahan sa mga mag-asawang nananatiling tapat sa mga turo ng Ebanghelyo na magmahalan at maging tapat sa isa’t isa. Gaya ng ipinapahayag sa Malakias 2:15-16, “hindi ba’t pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu?… Kaya’t huwag ninyong pagtaksilan ang babaing pinakasalan ninyo… ‘Nasusuklam ako sa pagpapalayas at paghihiwalay ng mga mag-asawa,’ sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. ‘Napopoot ako sa taong gumagawa ng kalupitan sa kanyang asawa. Kaya nga maging tapat kayo sa inyong asawa.’” 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 10,149 total views

 10,149 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 16,122 total views

 16,122 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 21,877 total views

 21,877 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 29,140 total views

 29,140 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 37,124 total views

 37,124 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 10,150 total views

 10,150 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 16,123 total views

 16,123 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 21,878 total views

 21,878 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 29,141 total views

 29,141 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 37,125 total views

 37,125 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,770 total views

 35,770 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,774 total views

 47,774 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,816 total views

 55,816 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,373 total views

 47,373 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,798 total views

 45,798 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,584 total views

 47,584 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,509 total views

 44,509 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,823 total views

 58,823 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,513 total views

 62,513 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,116 total views

 61,116 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top