701 total views
Dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng child internet pornography sa bansa upang masugpo ito.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, pangunahig dahilan nito ay ang laganap na kahirapan na nararaansan sa bansa.
Tinukoy din ng Obispo ang kapabayaan ng mga magulang at kawalan ng kaalaman hinggil sa dignidad ng kanilang mga anak na sinisira ng pagiging biktima ng child internet pornography.
Binigyang diin ng Obispo na sa puntong ito ay maaring makatulong ang Simbahan para maturuan ang mga magulang na pag-ingatan at huwag pagkakakitaan ang mga anak.
Nanawagan naman ang Obispo sa pamahalaan at otoridad ipatupad ng mahigpit ang anti cyber sex exploitation at child pornography act.
“Of child internet pornography; one maybe is poverty, education of parents regarding the dignity of the child being desecrated exposing them to internet pornography, church sector can help on this matter and the law enforcers to implement anti-cyber sex exploitation n against child pornography.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Naitala ng UNICEF sa 7-libo kada buwan ang cyber crime report kung saan ang kalahati ay child sex abuse.