346 total views
Nagpaalala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Mutual Relations na patuloy na ipagtanggol ang karapatang pantao at pangalagaan ang demokrasya lalo na ngayong ipinagdiriwang ang ika–118 anibersaryo ng Philippine Independence.
Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, Chairman ng komisyon kinakailangan na mas lalong bantayan ng bawat mamamayan ang patuloy na pagsusulong ng katarungang panlipunan na nauna na ring ipinangako ng bagong administrasyon.
Ipinabatid rin ni Archbishop Ledesma na patuloy na susuportahan at ipapanawagan ng Simbahan ang pagsusulong ng pagkakapantay–pantay na nauna na ring ipinaglaban ng ating mga bayaning ninuno.
“Dapat ipagtanggol natin yung mga human rights that one issue that is uppermost now. Tsaka ipagtanggol din natin ang rights of minority and also the different basic sectors. Tsaka yung panawagan for social justice I think its uppermost now in the incoming administration agenda. We support that call na dapat may social justice and eradication of extreme inequality in our society today. And we hope that the sacrifices of our forefathers working for independence will also bear fruit ngayon in our present day struggle.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol.
Patuloy naman nitong hinimok ang bagong pamunuan na ayusin ang usaping pangkapayapaan sa Mindanao sa patuloy na pagsusulong ng kasunduan at negosasyong pangkapayapaan sa mga kapatid nating Muslim na bigong isakatuparan ng Aquino administration.
“Well, first of all ang ating kapayapaan means we should really work for a peaceful society lalong – lalo na dito sa Mindanao sapagkat hindi pa natupad yung peace agreement and peace negotiations with the Muslim community. Tsaka sa susunod we should start for peace with the yung National Democratic Front (NDF) another movement dito sa Northeastern and Southeastern Mindanao. Sa palagay ko these are challenges continuing sa panahon ng Independence Day we recall that we are all fighting for independence, for peace and justice in our home country ngayon,” giit pa ni Archbishop Ledesma sa Radyo Veritas.
Samantala, ang tema ngayon ng Independece Day ay “Kalayaan 2016:Pagkakaisa, Pag–aambagan, Pagsulong” na sasabayan naman ng 2016 Job Fair sa ng Department of Labor and Employment o DOLE na magbibigay ng 22,000 trabaho para sa mga local at foreign jobs abroad.
Magugunita na una na ring kinilala ang kanyang Kabanalan Francisco bilang tagapag–tulay ng kapayapaan na nagpahilom ng hidwaan ng dalawang magkatungaling bansa ng Estados Unidos at Cuba.