Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag matakot magbukas at pumasok ng pinto para makatagpo si Hesus-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total views

Dapat maging handa ang bawat mananampalataya na pumasok at lumabas sa bawat pintuan ng ating buhay upang mas maunawaan ang kahulugan ng buhay para makatagpo si Hesus.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, magkakaroon lamang ng paglago ang ating buhay at pananampalataya kung bukas tayo at hindi naduduwag magbukas ng pinto o pumasok sa pintuan ng kapwa.

Inihalimbawa ng Cardinal ang mga magulang at matatanda na nararapat na matutunann na ibukas ang pintuan sa bawat isa upang magkaunawaan at makita ang kabutihan ng Diyos.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang mga kabataan ng naghahanda ng integridad at kumukuha ng mabuting halimbawa mula sa matatanda.

Nilinaw ng Kardinal na ang mga matatanda ay hindi dapat maging sarado ang kaisipan at pakikitungo sa mga kabataan dahil lamang sa kanilang pagmamalaki na mas nauna sila at mas may alam.

“Itong gate ng mundo ng kabataan ano ho handa ba tayong sumilip at pumasok? Sapat ba na sasabihin na lang natin na ibang mundo na ‘yan at tayo’y mananatili dito sa ating mundo?”pahayag ni Cardinal Tagle.

Mensahe ni Cardinal Tagle tulad ng pintuan ng Simbahan na nag-uugnay sa langit at sa lupa, sa mga pintuang maluluwang at maliliit na mahirap pasukin ay makikita natin ang awa at habag ng Diyos.

“Ang saradong pinto ay maari ka ring maipit. Sabi nga po nila ang pintuan ng simbahan ay punong-puno ng panganib, punong-puno rin ng biyaya, doon sa pintuan nagtatagpo ang diyos at ang sangkatauhan, sa pintuan ng simbahan nagtatagpo ang langit at ang mundo. Nasa gawaing banal ka ba o nasa gawaing makamundo?”pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ngayong 2016, sa pagdiriwang ng Year of Mercy ng Universal Church ay hinihimok ang lahat na maging maawain at mahabagin tulad ng ama sa langit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 34,856 total views

 34,856 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 55,921 total views

 55,921 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 78,943 total views

 78,943 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 117,643 total views

 117,643 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 72,400 total views

 72,400 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 49,973 total views

 49,973 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 88,396 total views

 88,396 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top