Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalayaan at krimen, 2 mukha ng anti-Marcos protest

SHARE THE TRUTH

 240 total views

Kalayaan at krimen.

Ito ang nakikitang senaryo ni Rev. Fr. Ranhillo Aquino, Dean ng San Beda College Graduate School of Law kaugnay ng mga nagaganap na protesta ngayon na may kinalaman sa sorpresang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong nakaraang Biyernes.

Ayon sa pari, may kalayaan at karapatan ang mamamayan base sa itinatadhana ng Saligang Batas na magsagawa ng mga pagkilos subalit magiging krimen na ito kung ang protesta na ito ay mauuwi sa pag-aaklas laban sa pamahalaan na magbubunsod na ng kaguluhan.

“Sa mga nagbabalak na protesta, yan ay isang kalayaan at karapatan na ipinagkakaloob ng ating Saligang Batas at dapat bantayan natin ang karapatan, kalayaan na yan. Ikalawa, ibang bagay ang magpapahayag ng pagtutol sa pagpapalibing ibang bagay naman at nagiging krimen na kung uudyukan ang mga tao na mag-alsa laban sa pamahalaan.” Pahayag ni Fr. Aquino sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, iginiit ng pari na wala siyang nakikitang masamang dahilan ng paglilibing kay Marcos sa LNMB dahil aniya natupad naman ang mga requisite sa usapin.

“Sa aking palagay na naaayon sa batas wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi siya mailibing doon, unang una natupad ang mga requisite sa pagpapalibing doon, may mga asawa… parang sundalo na hindi naki-giyera dapat ang isang nakaraang Pangulo ng Republika at naging sundalo ay may karapatan ding ilibing doon,” ayon pa kay Fr. Aquino.

Dagdag ni Fr. Aquino, bagamat may katotohanan na marami ang nabiktima ng torture, na may nasugatan at namatay sa idineklarang Martial Law ni Marcos, hindi ito nangangahulugan na lahat ng masamang idinulot ng batas military siya ang may kagagawan.

“Ikalawa, kung ang pagbabasehan ang mga na-torture na bilanggo noong Martial Law, oo maraming namatay may nasugatan may nahirapan, pero ang tanong ko lang lahat ba ng masamang nangyari na yan si Marcos lang ang lahat ng may kagagawan? Nasaan ang ebidensiya na si Marcos ang lahat ng may kagagawan?” ayon pa sa pari.

Marami ang tumututol sa paghihimlay kay Marcos sa LNMB kabilang na ang mga bumuo ng EDSA People Power 1 na nagpatalsik sa rehimeng Marcos noong 1986 dahil na rin sa idinulot na pang-aabuso sa kapangyarihan kaugnay na rin ng pagnanakaw ng bilyong bilyong dolyar mula sa kaban ng bayan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,197 total views

 7,197 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,513 total views

 15,513 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,245 total views

 34,245 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,751 total views

 50,751 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 52,015 total views

 52,015 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 90,949 total views

 90,949 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,980 total views

 86,980 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 33,571 total views

 33,571 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 33,582 total views

 33,582 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 33,586 total views

 33,586 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top