Kapangyarihan ng Simbahan ang pananampalataya sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total reads

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang pananampalataya na ibinigay ni Hesus kay Simon Pedro na isang mangingisda ay nagpasalinlahi hanggang sa susunod pang henerasyon.

“At ang pananampalatayang ito ni Pedro ay nagpatuloy hanggang ngayon na ipinahahayag ng lahat ng tagasunod ni Kristo sa iba’t ibang lugar, iba’t ibang panahon, iba’t ibang kultura sa iba’t ibang lengguwahe, iisa ang pananampalataya,” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng kanyang Kabunyian na ang pananalig sa mapagkumbabang si Hesukristo ay malaking hamon sa bawat mananampalataya na pagyamanin, patatagin at pagyabungin.

“Ang authority ng simbahan sa mula’t mula pa kay Pedro ay ang katatagan na dulot ng pananampalataya, kung ano ano mang bagyo ang daraan, may mga nasisirang building, bahay, pati nga ang simbahan, ano ang nananatiling matatag? Pananampalataya! Dumaan man ang mga apoy, dumaan ang sunog, dumaan man ang mga lindol, Panginoon huwag naman sana pero sa kasaysayang ng mundo, dumaan lahat ‘yan, ang pananampalataya, hindi mabubuwag, ‘yan ang ating yaman,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ang pagninilay ni Cardinal Tagle ay kaugnay sa pagdiriwang ng Simbahan ng ‘Kapistahan ng luklukan ni Pedro o Feast of St. Peter’ sa misang ginanap kasabay na rin ng ika-32 anibersaryo ng pagtatalaga ng National Shrine and Parish of Saint Michael and the Archangels sa San Miguel, Manila.

Binabasbasan din ni Cardinal Tagle ang bagong ‘baptismal pool’ ng simbahan at limang mga sanggol din ang bininyagan na isang sakramento ng pananampalataya.

Pinaalalahanan naman ni Cardinal Tagle ang mga magulang, ninong at ninang na pag-aralang mabuti ang minanang pananampalataya sa Diyos at ituro sa kanilang mga anak at inaanak ang pagpapatuloy ng pananampalatayang Kristiyano mula sa Panginoon, tungo kay San Pedro, sa simbahan at sa mga susunod pang henerasyon.

“Sana sa mga bata, hindi mas kilala pa ang artista kaysa kay Hesus, mas alam pa ang mga video games kaysa sa bibliya, mas alam pa ang mga kalokohan kaysa sa katisismo. Mga magulang, ninong at ninang, responsibilidad nyo iyan sa inyong pananampalataya, palaguin ang pananampalataya ng inyong mga anak at inaanak,” paalala ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 33,154 total reads

 33,154 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,849 total reads

 83,849 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,720 total reads

 131,720 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,668 total reads

 235,668 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 320,081 total reads

 320,081 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top