KAPAYAPAAN AT LAHAT NG KABUTIHAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,789 total reads

Ang Mabuting Balita, 3 Marso 2024 – Juan 2: 13-25

KAPAYAPAAN AT LAHAT NG KABUTIHAN

Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, kaya’t pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagbibili ng mga baka, mga tupa, at mga kalapati, at ang namamalit ng salapi. Gumawa siya ng isang panghagupit na lubid at ipinagtabuyang palabas ang mangangalakal, pati mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit at pinagtataob ang kanilang mga hapag. Sinabi niya sa mga nagbibili ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalaala ng kanyang mga alagad na sinasabi sa Kasulatan, “Ang aking malasakit sa iyong bahay ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko.” Dahil dito’y tinanong siya ng mga Judio, “Anong tanda ang maibibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Tumugon si Jesus, “Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw.” Sinabi ng mga Judio, “Apat-napu’t anim na taon na ginawa ang templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya’t nang siya’y muling mabuhay, naalaala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito; at naniwala sila sa Kasulatan at sa mga sinabi ni Jesus.

Nang pista ng Paskuwa, nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga kababalaghang ginawa niya. Subalit hindi nagtiwala sa kanila sa Jesus, sapagkat kilala niya silang lahat. Hindi na kailangang may magsalita pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat talastas niya ang kalooban ng lahat ng tao.

————
Nagsalita si Jesus tungkol sa templo na kanyang katawan. Marahil, marami sa atin ang hindi nakakaisip na ang ating katawan ay sadyang mga templo ng Espiritu Santo. Samakatuwid, kung paano ipinagtabuyang palabas ni Jesus ang mga gumawang palengke ng bahay ng kanyang Ama, sinasabi niya sa atin na ipagtabuyang palabas ng ating katawan ang lahat ng nagiging hadlang na tayo ay maging mga templo ng Espiritu Santo, tulad ng Pitong Kasalanang Nakamamatay: Kapalaluan o kahambugan, Inggit, Katakawan o kasibaan sa pagkain at inumin, Kahalayan o kalibugan, Poot o Galit, Pagkaganid at Katamaran o pagkabatugan.

May mga nagsasabi na likas sa tao ang magkasala. Kung totoo na tayo ay likas na makasalanan, di sana napakasaya at napakapayapa natin sa tuwing tayo ay nagkakasala. Ngunit, hindi. Kapag lamang inaayawan natin ang mga basura/kalat sa loob natin sa pamamagitan ng pagsunod sa daan ng katuwiran ni Jesus, saka lang tayo nakararanas ng kasiyahan at kapayapaan. Ipinadala ng Diyos ang kanyang kaisa-isahang Anak na nagkatawang-tao upang ipakita sa atin kung paano mamuhay ayon sa ating kalikasan na ginawang kawangis ng Diyos, at ito ang KAPAYAPAAN AT LAHAT NG KABUTIHAN (“Pace e Bene” mula kay St. Francis at St. Clare ng Assisi).

Panginoong Jesus, nawa’y lubos-lubusin namin ang pakikiisa sa mga Sakramento upang manatili kaming mga templo ng iyong Espiritu Santo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 112,759 total reads

 112,759 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 163,122 total reads

 163,122 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 290,860 total reads

 290,860 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 376,244 total reads

 376,244 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 434,168 total reads

 434,168 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO REGRETS

 21,842 total reads

 21,842 total reads Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44 NO REGRETS As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept

Read More »

MULTIPLY

 10,877 total reads

 10,877 total reads Gospel Reading for November 18, 2026 – Luke 19: 11-28 MULTIPLY While people were listening to Jesus speak, he proceeded to tell a

Read More »

HINDRANCE

 11,616 total reads

 11,616 total reads Gospel Reading for November 17, 2026 – Luke 19: 1-10 HINDRANCE At that time Jesus came to Jericho and intended to pass through

Read More »

NOTHING WITHOUT ACTION

 9,286 total reads

 9,286 total reads Gospel Reading for November 16, 2026 – Luke 18: 35-43 NOTHING WITHOUT ACTION As Jesus approached Jericho a blind man was sitting by

Read More »
Scroll to Top