Karahasan Laban sa Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,590 total reads

Ang karahasan sa kababaihan ay isang malaking isyu na tila ayaw mawala sa ating lipunan. Hanggang ngayon, kahit pa moderno na ang panahon, marami pa ring mga babae ang nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga asawa o domestic partners. Mas dumadami din ang biktima ng rape.

Ang nakakalungkot kapanalig, ayon sa Philippine Commission on Women o PCW, ang babae pa ang kadalasang nasisi kung sila ay nabubugbog. Maraming babae ang binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga asawa o di kaya pabaya sa kanilang mga obligasyon bilang asawa. Ayon pa sa PCW, minsan pa nga, ang panggagahasa ay sa babae pa nasisisi, dahil sila ay  “flirtatious.”

Ayon sa datos ng Center for Women’s Resources (CWR), kada 53 minuto, isang babae o bata ang nagagahasa. Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga bata. Ayon pa sa CWR, tumaas ng 92% ang mga naitalang rape cases mula 5,132 noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014.

Ayon naman sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa limang babaeng may edad 15-49 ay nakaranas na ng pisikal na karahasan simla pa ng edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas na ng pananakit mula sa kanilang asawa.

Ang pananakit sa kababaihan ay hindi lamang kaugnay ang katawan. Ang epekto nito ay malawig, kapanalig. Nakakapanliit ng pagkatao ng babae ang pananakit. Kadalasan, ang pananakit na ito ay sa karaniwang sinisisi pa sa babae. Wala ng dangal, binibigyan pa ng ibayong “shame” o binabalot ng kahihiyan ang babae sa tuwing sila ay sinasaktan. Ang nakakalungkot kapanalig, ang machong kultura na ito ay tila tumitingkad pa sa ngayon.

Kapanalig, ang karahasan ay walang puwang sa ating lipunan, lalo na sa loob ng ating mga tahanan. Sa ating modernong mundo kung saan parehong kinikilala na ang kakayahan ng babae at lalake, marami pa ring babae ang nakakaranas ng pangliliit at karahasan. Kailan ito titigil?

Ang babae ay dapat ginagalang. Ang babae ay dapat inaalagaan at minamahal. Ngunit tila nagiging “norm” o kasanayan na naman sa ating lipunan ang panlilibak sa babae. Dapat maisawata ito. Ang pamahalaan ay dapat manguna sa mga aksyon at programa na magbibigay galang at papuri sa mga Filipina.

Kahit ano pang kaunlaran ang ating maabot, ito ay mawawalang halaga kung hindi tayo marunong kumilala sa dignidad ng bawat isa. Nawa’y maging hamon sa ating ang mga kataga mula sa Mater et Magistra: Wherefore, whatever the progress in technology and economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to realize how great is their dignity; for they have been created by God and are His children.  Kapanalig, ang karahasan sa kababaihan ay isang pagyurak ng dignidad hindi lamang ng babae, kundi ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 124,562 total reads

 124,562 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 156,292 total reads

 156,292 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 258,119 total reads

 258,119 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 298,676 total reads

 298,676 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 313,977 total reads

 313,977 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 124,563 total reads

 124,563 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 156,293 total reads

 156,293 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 258,120 total reads

 258,120 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 298,677 total reads

 298,677 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top