434 total views

Isa sa mga yaman ng ating bayan ay ang ating biodiversity–mayroon tayong libo-libong wildlife species na dito lamang matatagpuan sa ating bayan. Isa rin tayo sa 17 na biodiverse countries sa buong mundo na nagkakanlong ng two-thirds o mahigit 66% ng  kabuuang biodiversity at 70% ng mga hayop at halaman ng mundo.

Kapanalig, dapat nating itong alagaan, dahil kapag nawala sila, may mga species o uri ng hayop at halaman na hindi na maaring maibalik pa. Sa pag-alaga natin, hindi lamang buhay nila ang ating sinasalba, kundi ang buhay mismo nating mga Filipino.

Ang pag-aalaga ng ating biodiversity ay isang malaking hamon. Nakatali kasi sa buhay at kabuhayan ng maraming mga Filipino ang ating kalikasan. Malaking porsyento ng ating mga mamamayan ay nakatira sa mga kagubatan at coastlands, at ang kalikasan ang kanilang source of income. Dahil dito, kulang ang karaniwang pagmumudmud lamang ng impormasyon ukol sa kahalagahan ng kalikasan, o mga training o seminar ukol sa pag-aalaga ng kalikasan. Hangga’t walang sustainable alternative livelihood sa mga komunidad, mahihirapan ang pagpursige ng biodiversity protection.

Isang halimbawa ay ang pagpraktis ng pagkakaingin. Kadalasan, binabawalan lamang ang mga kaingero na magsiga sa kagubatan para may lugar silang matatamnan. Isang halimbawa ay ang mga insidente ng pagkaka-ingin sa Cordilleras, kung saan maraming insidente ng forest fires noong 2019. Kaya lamang, kahit pa pagbawalan ang mga tao dito, uulit at ulit lamang ito dahil wala naman silang alternatibong kabuhayan. Sa dulo, dahil ang kapalit naman ay gutom, itutuloy pa rin nila ang pagkaka-ingin.

Kung nais nating alagaan ang ating biodiversity, kailangan din natin alagaan pa ang isa pang yaman ng bayan, ang mga mamamayan nito. Kaya’t sa mga pagkakataong nakatali sa kabuhayan ang kalikasan, kailangan natin ng maayos na programa para sa sustainable alternative livelihoods. Kung maisasaayos natin ito, ang pamayanan pa mismo ang siyang magiging partner ng estado sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang Caritas In Veritate ay may akmang paalala ukol sa isyung ito. Ayon dito, ang kalikasan ay regalo ng Diyos sa bawat isa. Sa paggamit natin nito, mayroon tayong pananagutan sa mga mahihirap, sa hinaharap na mga henerasyon, at sa sangkatauhan.  Dapat natin itong responsableng gamitin para sa ating lehitimong mga pangangailangan, habang iginagalang ang balanse ng kalikasan. Kung hindi natin ito gagawin, maabuso natin ang lahat ng nilikha.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 20,904 total views

 20,904 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,317 total views

 38,317 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 52,961 total views

 52,961 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 66,825 total views

 66,825 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 79,991 total views

 79,991 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 20,905 total views

 20,905 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 38,318 total views

 38,318 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 52,962 total views

 52,962 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 66,826 total views

 66,826 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Scroll to Top