Paglikas ng mga residente sa Batangas, nagpapatuloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 667 total reads

Posibleng umabot mahigit 17-libo ang mga magsisilikas na residente ng Batangas dulot ng patuloy na pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Renbrandt Tangonan, Communications and Advocacy Officer ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), naghahanda na ang simbahan para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Mamahagi ang LASAC ng 1,655 N95 face masks sa bayan ng Laurel at Agoncillo, Batangas dahil na rin sa panganib sa kalusugan na dulot ng asupreng ibinubuga ng bulkan.

Nanawagan naman ang social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa ng tulong para sa mga apektadong residente.

Maliban sa mga cash or in-kind donations kinakailangan din ang karagdagang suplay ng mga N95 face mask.

“Patuloy tayong nananawagan ng tulong para sa kanila, sapagkat sa darating pang mga araw, inaasahang papalo sa higit 17,985 ang estimated number of internally displaced persons o mga evacuees. Ito ay kumakatawan sa 4,296 na mga pamilya at 3,283 na sambahayan,” ayon kay Tangonan sa Radio Veritas.

Katuwang ng LASAC ang lokal na pamahalaan ng Batangas upang tugunan ang mga kinakailangan ng mga residenteng nauna nang nagsilikas na umaabot sa 1,824 indibidwal o 478 pamilya.

Batay naman sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal, kung saan nakapagtala ito ng 3 mahihinang phreatomagmatic explosion at 48 volcanic earthquakes.

Patuloy rin ang pagbuga ng sulfur dioxide mula sa bulkan na aabot sa 10,254-toneladang usok ang nilalabas kada araw na nakakaapekto hindi lamang sa Batangas kundi hanggang sa Metro Manila, at karatig na mga lalawigan.

Mahigpit na ipinapaalala ng PHIVOLCS ang pagsusuot ng N95 facemasks upang maiwasang makalanghap ng asupre, at ang pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone, at mga high-risk barangays kabilang na sa Agoncillo at Laurel, Batangas.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 11,070 total reads

 11,070 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 27,086 total reads

 27,086 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 130,373 total reads

 130,373 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 170,931 total reads

 170,931 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 191,385 total reads

 191,385 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 239,160 total reads

 239,160 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,981 total reads

 133,981 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top