Mahigpit na health safety protocol, ipapatupad ng Diocese of Sorsogon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total views

Nagpalabas ng panibagong panuntunan ang Diocese of Sorsogon bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya maging sa buong Bicol region.

Nasasaad sa diocesan circular ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ang pakikipag-ugnayan ng diyosesis sa City Health Office ng Lungsod ng Sorsogon na nagrekomenda ng mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Bilang tugon sa naturang rekomendasyon pansamantalang ipatutupad ang limitasyon ng 30-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan sa mga lugar na mayroong matataas na kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng Saints Peter and Paul Cathedral Parish, Our Lady of Fatima Parish, San Roque Parish, at San Ramon Nonato Parish.

Ayon sa mga Obispo, bagamat limitado lamang ang bilang ng mga maaaring makapasok sa loob ng simbahan ay pahihintulutan naman ang pakikibahagi sa Banal na Misa sa labas at paligid ng simbahan.

Bukod sa pagpapatupad ng limitasyon sa bilang ng mga maaaring personal na makibahagi sa mga Banal na Misa ay hinihikayat rin ni Bishop Dialogo ang pansamantalang pagpapaliban at paglilimita sa mga gawaing tulad ng mga prosesyon at motorcade.

Epektibo ang nasabing panuntunan para sa buong buwan ng Hulyo na maaaring mabago batay sa rekomendasyon ng City Health Office ng Lungsod ng Sorsogon sa Diocesan COVID-19 Task Force.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 70,624 total views

 70,624 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 114,232 total views

 114,232 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 197,040 total views

 197,040 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 208,833 total views

 208,833 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top