511 total views
Iniimbitahan ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga mambabatas na dumalo sa kanilang financial statement report upang makita ng mga ito kung saan napupunta ang tuition fees na kanilang sinisingil sa kani – kanilang paaralan.
Ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng komisyon, dapat ring makita ng pamahalaan lalo ni House Speaker Pantaleon Alvarez na planong patungan ng buwis ang mga Catholic schools and universities na nagbibigay ng kalidad na edukasiyon sa mga estudyante.
“Even you look at our, transparent naman tayo, we have monthly financial statement so they can look at our statement and then see kung papaano talaga tayo nag-iistruggle even sa kung papaano natin talagang mabigyan ng mga benefits yung mga teachers, galing sa mga tuition fees na ibinibigay natin. It is important to know na in as much as possible we do not want to raise yung mga tuition fee natin because we do not want to burden from us yung mga magulang natin.” pahayag ni Bishop mallari sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinikap rin ni Bishop Mallari na ipaalam sa gobyerno ang mga scholarship programs na iginagawad ng mga paaralan na pinangangasiwaan ng religious groups and institutions lalo na sa mga mahihirap at may mga kapansanan na estudyante.
Binanggit rin ng Obispo ang mga mission schools na tinutulungan ng mga Catholic schools sa kanilang diyosesis upang mabigyan ng suporta ang kakulangan ng mga guro sa mga liblib na lugar.
“Kunwari dito sa Nueva Ecija, we have Catholic schools pero among them, we have mission schools na talagang nagtutulung-tulong para mabigyan ng suporta yung mga mission schools at ang sweldo ng mga teachers natin.” Giit pa ni Bishop Mallari sa Veritas Patrol.
Sa datos na inilabas noong 2011 , ang Simbahang Katolika ang may pinakamalaking saklaw na mga non – government school system sa buong mundo.
Kung saan noong 2016, mayroong 43, 800 secondary school st 95, 200 primary schools ang pinamamalakad nito.
Samantala nauna na ring binanggit ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na mayroong halos mahigit na limang libong scholars sa buong bansa ang pinag – aaral ng Caritas Manila sa programa nitong Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.(Romeo Ojero)
read:
http://www.veritas846.ph/taumbayan-hinimok-na-tangkilikin-ang-segunda-mana-stores-ng-caritas-manila/