VeritasPH

The Word, The Truth

Ang mga preso ay mga taong may dignidad

SHARE THE TRUTH

 230 total views

Mga Kapanalig, naaalala ninyo pa ba ang sikat na “Cebu Dancing Inmates,” ang mga bilanggo sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center na nakilala dahil sa kanilang sabay-sabay na pagsasayaw?
Muli na naman silang nalagay sa headlines ng mga balita nitong nakaraang linggo, subalit hindi ito dahil may bago silang dance steps, kundi dahil sa mga larawang kumalat sa social media kung saan hubo’t hubad silang nakaupo at nakahilera sa quadrangle ng bilangguan. Ayon sa mga namamahala ng piitan, bahagi iyon ng operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA upang halughugin ang kulungan at kumpiskahin ang mga kontrabando at droga. Pinaalis ang mga damit ng mga bilanggo upang matiyak umano ang kaligtasan ng mga operatiba dahil mangingimi nga namang magsimula ng riot ang mga preso kung sila’y walang mga saplot. Dagdag pa ng PDEA, paraan din iyon upang hindi maitago ng mga bilanggo ang anumang bagay na ipinagbabawal ipasok sa loob. Bahagi umano ang kanilang ginawa ng standard operating procedure o SOP sa tuwing may raid sa mga kulungan, at wala raw silang nilabag na anumang karapatang pantao.
Sa kabila ng paliwanag ng ahensya, naging “viral” o kumalat pa lalo sa social media ang mga larawan, at marami sa mga nakakita ang hindi nagustuhan ang paraang ginawa para lamang sa operasyon kontra iligal na droga. Una rin sa mga umalma ang grupong Amnesty International na sa kanilang pahayag ay sinabing ang insidenteng iyon sa Cebu ay nagpapakita ng pagtratong marahas, hindi makatao, at nakapagpapababa sa sarili. Paalala pa ng Amnesty Interational, malinaw sa mga pamantayan ng United Nations gayundin sa ating mga batas ng Pilipinas na pananagutan ng mga namamahala ng mga bilangguan ang tiyaking hindi sinasaktan at hindi minamaltrato ang mga preso. Paglabag naman sa privacy ng mga bilanggo ang ipinagdiinan ng grupong Human Rights Watch. Hindi rin raw makatao na ilantad ang mga bilanggo nang hubo’t hubad at ang hayaang sila ay kunan ng litrato.
Nakalulungkot, mga Kapanalig, na kinailangan pang hubaran ang mga bilanggo para lamang maisagawa ang paghahalughog. Hindi ba talaga makukuha ang mga kontrabando at hindi ba magiging mapayapa ang operasyon kahit may suot silang damit? Marahil ay marami sa mga preso ang lalong nanliit ang tingin sa sarili—ibinilanggo na nga sila dahil sa paglabag sa batas at inalisan pa ng kalayaan, heto’t inilantad pa ang kanilang mga katawan hindi lamang sa mga taong nasa loob ng preso kundi sa labas ng kulungan sa pamamagitan ng social media.
Matatandaang nagsalita minsan si Pope Francis matapos ang madugong riot sa isang bilangguan sa bansang Brazil. Ang kanyang naging pahayag noon ay angkop sa dinanas ng mga preso sa Cebu at sa marami pang bilangguan sa Pilipinas. Sabi niya, ang mga bilangguan ay dapat na magsilbing “places of re-education”, mga lugar ng muling pagkatuto ng mga taong nagkamali. Ang mga piitan, ayon pa sa Santo Papa, ay dapat na maging “places of re-insertion”, mga lugar upang akayin ang mga bilanggo na makabalik sa lipunan matapos tapusin ang sentensyang ipinataw sa kanila. Sa madaling salita, dapat na maging makatao ang kalagayan ng mga preso dahil sila ay mga tao ring may dignidad, katulad nating mga nakalalaya.
Kaya’t kung ang mga bilanggo ay hindi tinatrato bilang mga taong may kahihiyan sa sarili, may karapatan din sa privacy, at, higit sa lahat, may dignidad, masasabi ba nating ang bilangguang pinagdalhan sa kanila ay “places of re-education” at “place of re-insertion”? Malinaw na hindi.
Mga Kapanalig, ang mga preso ay tao rin. May natatangi ring pagkiling ang ating Panginoong Hesus sa kanila bilang mga anak niyang isinasantabi ng kanilang kapwa, kaya’t huwag nating hayaang magpatuloy ang hindi makataong pagtrato sa kanila. Bantayan natin ang gagawing imbestigasyon ng Commission on Human Rights.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,131 total views

 11,131 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,176 total views

 19,176 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,256 total views

 24,256 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,963 total views

 29,963 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,751 total views

 38,751 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 11,132 total views

 11,132 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 19,177 total views

 19,177 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 24,257 total views

 24,257 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,964 total views

 29,964 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,752 total views

 38,752 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,602 total views

 40,602 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,916 total views

 54,916 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,606 total views

 58,606 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,209 total views

 57,209 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,196 total views

 67,196 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,164 total views

 71,164 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,051 total views

 82,051 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,490 total views

 94,490 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,248 total views

 105,248 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,501 total views

 52,501 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top