Kumapit sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Pinaalalahaan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga mananampalataya na kumapit sa Panginoon upang tuluyang mapaghilom ang anumang sugat na dulot ng mga karahasang lumalaganap sa lipunan.

Ito ay matapos pangunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pananalangin na tinawag na “Lord Heal our Land Sunday” noong ika-5 ng Nobyembre, 2017 para sa mga biktima ng extrajudicial killings.

Ayon sa Obispo, ang bawat sugat, kasalanan, at kahinaan ay mapaghihilom lamang sa pamamagitan ng dasal, at pagtawag sa Panginoon upang ipagkaloob nito ang kanyang awa na magdudulot din ng pagkakaisa sa lipunan.

“Kapag may sugat dapat paghilumin, lahat tayo sugatan sa kasalanan sa kahinaan sa nangyayari sa ating bayan, kaya panawagan magkaisa tayo dahil sa Diyos lamang tunay na may paghihilom, hindi natin makukuha ito sa ibang paraan, makukuha ito sa dasal, pag-asa sa Diyos, pagtawag sa kanya, sa awa niya, tao’y magkakaisa, tayo’y kanyang mapaghihilom,” pahayag ng Obispo.

Iginiit ni Bishop Ongtioco na ang lahat ng tao ay tinatawagan upang magbago at magbalik loob sa matuwid na daan.

Aniya, maging ang mga Obispo at pari ay tinatawagan din upang magkaisa, magkaroon ng pag-asa at makamit ang pagbabago sa buong bansa.

“Lahat tayo ay tinatawagan ng Diyos, magbalik loob, magbagong loob, yung mga hindi matuwid dapat iwaksi, yan ang paraan. Ang panawagan ng Diyos ay para sa lahat, para sa aming Obispo, pari, lahat kung saan dapat ituwid ang buhay dapat ituwid para magkaisa po tayo lahat may pag-asa, lahat may pagbabago kapag tayo’y umasa sa Diyos.”

Sa tala ng mga Human Rights Advocates umaabot na sa 13,000 ang mga namatay dahil sa Extrajudicial killings habang sa datos naman ng pulisya ay 4,000 lamang ang mga drug related killings.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,923 total reads

 9,923 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,101 total reads

 65,101 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 150,466 total reads

 150,466 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,203 total reads

 197,203 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,075 total reads

 245,075 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,835 total reads

 345,835 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 1,594 total reads

 1,594 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 43,826 total reads

 43,826 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,700 total reads

 36,700 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top