Damay Kapanalig Marawi, inilunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total views

Hinimok ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila ang mga mananampalataya na makiisa sa isinasagawang Damay Kapanalig sa Marawi Telethon.

Ito ay isang church initiative fund raising campaign ng Caritas Manila para sa tuloy-tuloy na pagtulong sa mga naapektuhan ng digmaan sa lungsod ng Marawi bunsod ng limang buwang digmaan sa pagitan ng pamahalaan at Maute-ISIS group.

Ayon kay Father Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila, hangad ng Simbahan na makalikom ng pondo bilang ayuda para sa rehabilitasyon ng lungsod na labis na naapektuhan ng digmaan.

“Sa atin pong mga Kapanalig, tayo po sa simbahan ay mayroon pong Telethon sa pangunguna ng Caritas Manila para makalikom ng inyong panalangin at ng inyong pondo nang matulungan ang ating mga kababayan sa Marawi. Marami po sa kanila ay Muslim, napakagandang halimbawa na tayo po, bagama’t magkaiba ng relihiyon ay nagtutulungan at nagmamalasakitan. Tulungan po natin ang mga mahihirap nating kababayan na makabangon sa kanilang matinding karanasan ng karahasan. At sa pamamagitan ng ating panalangin at ng mga tulong natin na pinansyal…housing and rehabilitation na matulungan natin sila na makabuwelo at mabigyan ng magandang pag-asa sa pamamagitan ng ating pagdadamayan, ito nga ang Damay Kapanalig sa Marawi ng Radio Veritas,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Father Anton na isa itong pagkakataon nang pagmamalasakit sa kapwa sa kabila na rin ng pagkakaiba ng relihiyon at pananampalataya.

Ang Islamic City ng Marawi ay may higit sa 300 libong populasyon na mayorya ang mga Muslim habang higit lamang sa 2,000 sa mga ito ang mga katoliko.

Una na ring inilunsad ang Duyog Marawi sa pangunguna ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña na layuning pagtutulungan ng mga kristiyano at Muslim sa muling pagbangon ng kanilang lungsod.

Base sa ulat, nangangailangan ng P50 B ang pamahalaan para sa pagsasaayos ng Marawi City dahil sa labis na pinsala dulot ng digmaan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis hinihikayat nito ang bawat bansa na iwaksi ang digmaan sa halip ay patuloy na isulong ang dayalogo sa hindi pagkakaunawaan lalu’t kamatayan at pagkasira ng lipunan ang dulot ng kaguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,250 total views

 56,250 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,119 total views

 52,119 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,321 total views

 88,321 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,741 total views

 96,741 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,372 total views

 121,372 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,132 total views

 325,132 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top