6,603 total views
Pinatutunayan ng pagiging host country ng Pilipinas sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit ang kakayahan ng bansa na mangasiwa ng mga pandaigdigang pagtitipon.
Bukod sa paglago ng turismo, inihayag ni Department of Tourism Undersecretary for Tourism Development Planning (TDP) and Oversight Functions Benito Bengzon na umani rin ng pagkilala mula sa mga foreign delegates ang ipinamalas na serbisyo ng Pilipinas sa ASEAN summit.
“Pinapakita yung kakayahan ng Filipino sa pag-oorganize ng malalaking events katulad nitong ASEAN at nakita naman natin mula noong January hanggang ngayong November na lahat ng activities natin went very smoothly…As we welcome the ASEAN Summit leaders meeting in a few days, this will contribute to a very strong finishing kick for the last quarter in terms of tourism arrivals,” pahayag ni Bengzon.
Sinasabing mula sa 282 ASEAN scheduled events ay 255 na ang natapos sa mga ito kung saan lahat ay tumanggap ng papuri mula sa mga delegado dahil sa pagiging ‘well organized’ at hindi matatawarang pakikitungo ng mga Filipino.
Bilang pagpapatuloy ng kanilang paglilingkod, ibinahagi ni Bengzon na mismong DOT ang mangunguna mula sa pagtanggap sa ASEAN member states hanggang sa kanilang pamamasyal sa bansa at pagkatapos ng prestihiyosong pagtitipon.
“We will provide the airport courtesies, welcome receptions sa lahat ng mga delagtes na darating hindi lamang sa Clark at hindi lamang sa Manila kundi maging sa ibang entry points na babagsakan nila. Bukod po sa hospiltality we are also in charge sa tours, both hosted tours and tour that delegates want to book on their own kasi gusto rin natin mapakita ang mga mgagagandangg tanawin at attrations natin,” ani Benzson.
Tampok sa nasabing Flagship Tour ang iba’t ibang destinasyon sa lungsod ng Maynila kabilang na ang Intramuros, Rizal Park, Bay Area gayundin ang Bonifacio Global City.
Sa tala ng Tourism Department, umabot na sa 4.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga turista na bumista sa bansa sa unang walong buwan ng 2017, mas maatas ng 10.5 porsiyento sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Una nang kinilala ng Vatican ang kalahagan ng turismo at pagkakaisa ng mga bansa sa pagtamo ng isang maunlad at mapayapang mundo.