Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 775 total reads

Nagsimula ang panahon ng Kwaresma noong Marso 1. Kapanalig, hind ba’t mas naging makahulugan ang abo sa ating mga noo noong nakaraang miyerkules, sa gitna ng dumaraming bilang ng mga namamatay sa ating paligid?

Ang abo sa ating noo ay hindi lamang nagpapa-alala na tayo ay nagmula sa abo; ito rin ay nag-papa-alala ng pagiging sagrado ng buhay. Ito ay nag-papa-alala sa atin na mahalaga ang buhay. Kamusta na nga ba kapanalig, ang buhay sa Pilipinas? Gaano ba natin ito binibigyang halaga?

Kung pagbabasehan kapanalig, ang pinakahuling datos ng SWS ukol sa jobless rate, tila malamya ang marami sa atin. Umabot ng 25.1% ang adult joblessness rate noong fourth quarter 2016. Katumbas nito, kapanalig, ay 11.2 milyong adults.

Ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 18% naman ang underemployment rate. Katumbas ito ng 7.5 milyong manggagawa na nagnanais pa na madagdagan ang oras ng kanilang trabaho. Ayon pa sa ahensya, mga 54.9% o 4.121 milyong manggagawa ang nagtatrabaho ng mas kaunti pa sa 40 oras kada linggo.

Ang mga isyung ito ay ilan lamang sa kailangan nating pagnilayan ngayong kwaresma. Kapanalig, saang aspeto ba ng ating pamumuhay dapat tayo tumutok? Bilang isang lipunan, anong dapat mga usapin at suliranin ang ating dapat bigyan ng atensyon at solusyon? Hindi ba’t ang mga isyung gaya nito ang dapat nating harapin?

Ang panahon ng kwaresma ay panahon din ng pananahimik. Ito ay panahon ng pakikinig sa bulong ng Panginoon at ng panaghoy ng lipunan. Ito ay panahon ng pagbibigay importansya sa buhay. Kaya lamang, nakakalungkot isipin na ngayong panahon ng kwaresma, maaring mapa-igting muli ang digmaan laban sa droga. Nakakalungkot isipin na ang scenario ng piyeta ay paulit ulit muling sasambulat sa ating kada umaga. Sayang kapanalig, ang sukdulang piyeta sa lahat – ang sakripsiyo ni Hesus – kung araw araw ay tumataas ang bilang ng bangkay sa ating paligid.

Hindi masama kapanalig, na magkaroon ng krusada laban sa kasamaan. Lahat tayo ay ayon diyan. Kailangan lamang maging bukas tayo sa mga makataong paraan. Kailangan lamang bukas tayo sa mga paraan na nagbibigay buhay at sigla sa lipunan.

Kapanalig, ang kamatayan din ay hindi malayo sa mga pamilyang gutom at walang trabaho. Sabay ng laban sa droga, tataas ng tataas din ang biktima ng kahirapan. Isipin natin kung ano ang magiging suma total nito sa kalaunan.

Ngayong kwaresma, maari kayang tayo ay magnilay bilang isang lipunang nagmamahal sa bayan at sa Diyos, kahit ano pa ang relihiyon, paniniwala, at kulay? Maari kayang pagbigyan naman natin ang kapayapaan sa ating mga lansangan, at sa ating mga puso, ang mamamayani?

Ang Gaudium et Spes ay nagbibigay sa atin ng gabay sa puntong ito. Nawa’y dinggin natin: Napakahalaga para sa kinabukasan ng lipunan at ng demokrasya na makita nating muli ang karubduban ng ating mga “human at moral values” na dumadaloy mula sa ating esenya bilang tao. Ang mga “values” na ito ay hindi kailan man malilikha o masisira ninuman; bagkus dapat nating itong kilalanin, respetuhin, at isulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,545 total reads

 63,545 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,432 total reads

 142,432 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,877 total reads

 175,877 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,176 total reads

 211,176 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,122 total reads

 435,122 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 63,547 total reads

 63,547 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,434 total reads

 142,434 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,879 total reads

 175,879 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,178 total reads

 211,178 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top