4,664 total views
Umaapela ang Sanguniang Laiko ng Pilipinas sa Kongreso na huwag payagang maibalik ang death penalty sa bansa.
Sa ipinalabas na pormal na pahayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, mula noong 1987 nang maalis sa Pilipinas ang parusang kamatayan ay pinatunayan nito na hindi epektibong paraan ng pagsugpo ng kriminalidad ang death penalty.
“At present there is an insistent attempt both in Congress and in the Senate to reimpose Death Penalty in our country. Such an attempt is supported by no less than President Rodrigo Duterte. In 1987, death penalty was abolished in the Philippines. Its abolition clearly reveals a strong message that it has no place in our society where preservation and respect for human life is of utmost importance,” bahagi ng statement ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Iginiit ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na ang death penalty ay sintomas ng isang komunidad na magkaroon ng culture of violence.
“Based on in-depth worldwide study on death penalty, Amnesty International itself concludes that Capital punishment does not work.
There is a wealth of mounting evidence that proves this fact. Death penalty is a symptom of a culture of violence and not a solution to it,”pahayag ng SLP.
Sinabi pa ng grupo na sa sistema ng pagpapatupad ng katarungan sa bansa tanging mahihirap lamang na walang pambayad ng abogado ang mabibiktima ng ipapasang batas.
Nanindigan ang grupo na sa pangkalahatan ang death penalty ay sisira sa dignidad ng tao at sisira sa tunay na katarungan sa lipunan.
“It is likewise discriminatory because poor and marginalized people have no access to legal resources to defend themselves. Aware of how our legal and justice system works, death penalty will never bring real justice. Further, it breaks essential human rights such as the right to life. We, at the Sangguniang Laiko ng Pilipinas appeal to our lawmakers to reject and oppose the restoration of Death Penalty. We also call on our God fearing countrymen to work for the respect and protection of human life,” diin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Samantala base sa World study, 88-porsiyento ng mga criminologist sa buong mundo ay hindi nanininiwalang ang death penalty ang susugpo sa laganap na kriminalidad.
Noong 2015, naitala ng Amnesty International sa 1,634-katao ang napatay sa parusang kamatayan at taong 2015 din 140-mga bansa ang nag-alis ng parusang kamatayan dahil sa kawalan ng epekto nito sa pagsugpo sa kriminalidad.