Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gamitin ang salapi sa paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

 790 total views

Ito ang inihayag ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa lahat ng mga negosyante sa bansa upang magkaroon ng kaganapan ang “equal distribution of wealth.”

Sinuportahan ni Bishop Santos ang mensahe ng kanyang Kabanalan Francisco sa mahigit 500 entrepreneurs mula sa iba’t ibang panig ng mundo na makabubuti ang kayamanan kung ito ay nagagamit sa paglilingkod sa kapwa taong nangangailangan.

Mahalaga rin aniya na maunawaan ng lahat na ang salapi ay hindi dapat nagagamit sa pansariling interes lamang kundi para sa ikabubuti ng nakararami nating kababayan na mahihirap.

“Tama lang naman na ang ating entrepreneur ay pinagpala, biniyayaan ng Diyos at ito’y galing sa Diyos. Ibalik nila sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagtulong, pagpapala sa iba. Sila ay binigyan upang makapag – bigay sa ating Panginoong Diyos at ibalik sa pamamagitan ng pagtulong sa ating kapwa. Ang salapi ang pera ay talagang commodity na dapat gamitin hindi lang sa ating pansariling kapakanan kundi sa kabutihan ng iba, kung tayo ay meron na sapat na kailangan namang yung labis ay ating itulong sa ating kapwa,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na noong 2015 nanatili ang pamilya ni Henry Sy na pinakamayaman sa Pilipinas batay sa listahan ng dollar billionaires club ng Forbes magazine.

Umabot sa $14.8 billion ang yaman ng mall at real estate businessman na nasa pang-73 ng listahan.

Bukod kay Sy, 10 pang Pinoy ang pasok sa listahan na kung pagsasama-samahin ang kanilang yaman na aabot sa P2.28 trilyon ay hindi nalalayo sa national budget ng gobyerno ngayong taong 2016 na aabot sa mahigit P2 trilyong piso.

Nauna na ring ipinaalala ni Apostol San Pablo sa kanyang liham kay Timoteo na ang pagmamahal sa salapi ang pinag – uugatan ng lahat ng kasamaan sa mundo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 99,999 total views

 99,999 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 107,774 total views

 107,774 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 115,954 total views

 115,954 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 131,127 total views

 131,127 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 135,070 total views

 135,070 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 39,602 total views

 39,602 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 38,592 total views

 38,592 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 38,722 total views

 38,722 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 38,701 total views

 38,701 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top