Polusyon sa Hangin, Tubig, at Lupa

SHARE THE TRUTH

 3,766 total views

Tila walang takas. Kapanalig, tila lahat tayo ngayon ay hawak na sa leeg ng polusyon.

Ayon nga sa isang sikat na kanta: hindi naman masama ang pag-unlad at malayo-layo na rin ang ating narating. Kaya nga lamang kapanalig, gaano kalaki ang ating binayad para sa kaunlaran na ito?

Ang air pollution levels sa ating mga syudad kapanalig, lalo na sa Metro Manila, ay higit pa sa tolerable at safe levels. Dagdag pa ang mga polusyon sa ibang bansa sa buong mundo, ang ating iisang kalawakan ay nalalason na. Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization, anim na milyong Asyano ang namamatay dahil sa polusyon kada taon.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng World Bank Group at ng Institute for Health Metrics and Evaluation, ang mga kamatayang dulot ng polusyon sa hangin ay may katumbas na kawalan ng labor output sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $2.8 billion noong 2013. Ito ay 0.45% ng gross domestic product ng bansa.”

Buhay at kita ang naging kabayaran ng polusyon, kapanalig.

Ang ating karagatan naman, at iba pang katawang tubig, kapanalig, ay unti unting nalalason na rin. Basura at plastic ang karaniwang nakikita sa  maraming mga baybayin, lalo na sa Manila Bay. Ang ating bansa na nga kapanalig, ang sinasabing pangatlo sa pinakamaraming basura na itinatapon sa karagatan sa buong mundo, base sa isang pag-aaral na ginawa ng Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment.

Ang polusyon sa tubig kapanalig, ay matindi rin ang epekto. Pinapaliit nito ang mga isdang nahuhuli sa karagatan na nagbabanta naman sa kabuhayan ng marami nating mga kababayan. Nagdadala rin ito ng sakit sa maraming mga mamamayan gaya ng gastroenteritis at diarrhea.

Buhay at kita rin, kapanalig, ang kabayaran sa polusyon.

Kaya nga ang dasal ng marami, magising nawa tayo sa kahibangan ng ating mga kagawiang sumisira sa ating kapaligiran. Ang akala natin na nakakatulong sa ating buhay ay siya rin palang kikitil sa atin sa kalaunan.

Kapanalig, dinggin naman natin ang tawag ng kalikasan: tama na! Isa lamang ang ating mundo. Wala tayong ibang pupuntahan kapag masira ito. Bigyang pansin ang mga kataga mula sa “On Social Concern,” bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: “Natural resources are limited; some are not, as it is said, renewable. Using them as if they were inexhaustible, with absolute dominion, seriously endangers their availability not only for the present generation but above all for generations to come.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,276 total views

 80,276 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,280 total views

 91,280 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 99,085 total views

 99,085 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,324 total views

 112,324 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,822 total views

 123,822 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,277 total views

 80,277 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong pinagtataguan mo?

 91,281 total views

 91,281 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

To serve and protect

 99,086 total views

 99,086 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,325 total views

 112,325 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top