Mamamayan, maging pro-active kontra EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Nanawagan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan ang CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care at Military Ordinariate upang ipalaganap ang kaalaman at responsibilidad ng bawat isa para matigil na ang kaso ng Extra Judicial Killings sa bansa.

Ayon kay Military Ordinariate Bishop Leopoldo Tumulak – chairman ng kumisyon, hindi lamang tungkulin ng pamahalaan ang pagtiyak sa kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa halip ay dapat ring makibahagi ang lahat ng sektor ng lipunan.

“Sa palagay ko kapag marami ang nag-participate, maraming tutulong na maikalat ang awareness at responsibilidad sa mga mamamayan, ma-minimize ang Extra-Judicial Killings, kailangan natin ang participation at responsibilidad, we cannot leave the government alone. I think the government will be happy about it na talagang makita nila ang tulong natin, and in fact maraming nagawa ang mga parokya, ang mga diyosesis,” pahayag ni Bishop Tumulak sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng mga maliliit na pagkilos at programa ng iba’t ibang sektor tulad ng mga parokya ng Simbahang Katolika upang gabayan ang pamahalaan sa kampanya nito sa kalakalan ng illegal na droga.

Batay nga sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, tinatayang umaabot na sa higit 4 na libo ang napatay sa patuloy na War on Drugs ng pamahalaan.

Tinitiyak naman ng Simbahan ang pag-agapay sa mga sumukong drug personalities, kung saan kamakailan lamang ay opisyal na pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagsisimula ng programang SANLAKBAY SA PAGBABAGO NG BUHAY na siyang tugon ng Simbahan sa War on Drugs ng pamahalaan at pagdideklara ng Extra Jubilee Year of Mercy ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa Archdiocese of Cagayan, katuwang ng arkidiyosesis ang lokal na pamahalaan sa ‘Coalition for Drug Free-Society” drug rehabilitation program.

Itinatag din ng Diocese of Masbate ang “Farm It Works Balay Kahayag Chemical Dependency Treatment Center” para sa mga drug surenderers.
Pinangunahan naman ni Father Luciano Feloni, isang Argentine priest at pastor of Our Lady of Lourdes Parish sa Caloocan City ang “Healing, not killing”community based rehab program para sa mga sumukong drug addict at pushers.

Itinatag naman ng Diocese of Novaliches katuwang ang Quezon City government ang AKAP o Abot-Kamay Alang-Alang sa Pagbabago, diocesan community based drug rehab program.

Operational na rin ang SAGIP BUKAS rehab center ng Diocese of Paranaque, Fazenda da Esperanca ng Diocese of Dumaguete, Harong Paglaom project ng Diocese of Legazpi, Wellness Camp Rehab program ng Diocese of San Carlos, SuGod(surrender to God) drug recovery program ng Archdiocese of Cebu at MASA-MASID-UBAS program ng Archdiocese of Jaro at Diocese of Kalookan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,860 total reads

 80,860 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,948 total reads

 158,948 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 192,396 total reads

 192,396 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,692 total reads

 227,692 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 451,012 total reads

 451,012 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top