Diyosesis sa Visayas at Mindanao, nakaalerto sa banta ni Marce

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 160 kilometro Silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 17 kilometro kada oras sa direksyon pa-kanluran hilagang kanluran.

Sa kasalukuyan ay nakataas na ang storm signal number 1 sa Romblon, cuyo Island, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Island, Siquijor, Negros Oriental at Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Guimaras, Surigao Del Sur at Surigao Del Norte kasama ang Siargao Island, Agusan Del Norte at Del Sur, Dinagat Island, Misamis Oriental at Camiguin Province.

Sa Diocese ng Maasin sa Southern Leyte sinabi ni Social Action Center Director Rev, Fr. Harlem Gozo, walang tigil ang pag-ulan na kanilang nararanasan at naka-antabay ang kanilang hanay sa mga posibleng pagbaha at pangangailangan ng mga residente.

“Non stop na ang pag-ulan [dito] although wala pa naman pag-hangin” mensahe ni Fr. Gozo.

Sa Archdiocese of Capiz, makulimlim pa ang lagay ng panahon ngunit inaabisuhan na ng Social Action Center nito ang mga parokya na maghanda at magkaroon ng pag-antabay sa ulat ng panahon.

“Cloudy pa lang dito wala pang ulan. We are on the monitoring and preparation status” mensahe ni Fr. Mark Grandflor, Social Action Director ng Archdiocese of Capiz sa Radio Veritas

Samantala, Kumikilos na rin ang iba pang sangay ng Simbahan upang matiyak na magkaroon ng sapat na kahandaan at kaalaman ang mga residente kaugnay sa posibleng banta ng nasabing bagyo.

Tinatayang ang bagyong Marce ang ika-13 bagyo na pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong taong 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,753 total views

 8,753 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,397 total views

 23,397 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,699 total views

 37,699 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,474 total views

 54,474 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 100,992 total views

 100,992 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 26,576 total views

 26,576 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top