Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Good Samaritans, hinihimok na makiisa sa PADAYON online concert

SHARE THE TRUTH

 10,085 total views

Lubos na nagpapasalamat ang Diocese of Surigao sa suporta ng mga kapanalig para sa nalalapit na online concert ng Caritas Manila at Viva Live Inc. para mga nasirang simbahang ng bagyong Odette.

Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis ng Surigao, kasama sa kanilang mga pagdarasal ang tagumpay ng online concert na pinamagatang PADAYON, pag-ibig, damayan sa pag-ahon na gaganapin sa ika-25 ng Marso.

Nagagalak si Fr. Ilogon na mapabilang ang kanilang mga Simbahan sa benepisaryo ng konsyerto dahil wala silang kakayanan sa kasalukuyan na maipatayong muli ang mga nasirang simbahan.

“Malaking bagay po ito kaya ako ay nagdadasal talaga at nagnanais na yun iba ay mabuksan din ang kanilang puso na although marami naman talaga ang matulungin at nagbabahagi ng kanilang mga biyayang natatanggap ako ay dumadalangin din na maraming mga tao ang bukas ang kanilang puso para tumulong” pahayag ni Fr. Ilogon sa panayam ng Radyo Veritas.

Matatandaang hindi nakaligtas sa pinsala ng bagyong Odette ang mga Simbahan at dahil sa pagtutok ng mga Diyosesis sa relief and rehabilitation program ay hindi naging prayoridad ang pagpapatayo nitong muli.

RELATED STORY:
Pagpapatayo ng bahay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, prayoridad ng Diocese of Surigao

Umaasa si Fr. Ilogon na malaki ang maitutulong ng PADAYON para sa kanilang Diyosesis at maging sa iba pang napinsala ng bagyong Odette.

“Hindi lang sa Surigao kundi maging sa iba pang Dioceses na naapektuhan ng bagyo. Ako ay nagpapasalamat sa mga tumulong at handa pang tumulong at ipaabot ang kanilang mga resources para sa simbahan” dagdag pa ng Pari.

Magtatanghal ang mga kilalang mang-aawit mula Viva Incorporated sa gaganaping online concert.

Ang pondong malilikom ay ilalaan ng Caritas Manila para sa may 20 Simbahan o Kapilya na nasira ng bagyong Odette sa 10 napiling Diyosesis.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 15,582 total views

 15,582 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 21,806 total views

 21,806 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 30,499 total views

 30,499 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 45,267 total views

 45,267 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 52,389 total views

 52,389 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Rowel Garcia

Mamamayan, hinimok na suportahan ang Fast2Feed campaign ng Pondo ng Pinoy

 24,869 total views

 24,869 total views 17 taon na ang Diocese of Antipolo na nagsasagawa ng feeding program sa iba’t ibang parokya na nasasakupan ng lalawigan ng Rizal at lungsod ng Marikina. Ito ang ibinahagi ni Ms. Mona Valencia ng Social Action Center ng Diocese of Antipolo sa pagpapatuloy ng kanilang programa para sa bata na kulang sa timbang

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Huwag mag-aksaya ng pagkain, paalala ng simbahan sa mamamayan

 25,103 total views

 25,103 total views Pinalalahan ng Simbahang Katolika ang mamamayan na huwag mag-aksaya ng pagkain at gumawa ng pagtulong sa mga nagugutom lalo na ngayong Panahon ng Kuwaresma. Ito ang inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual kaugnay sa suliranin ng Pilipinas sa mataas na bilang ng mga

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagbigay ng cash aid sa mga nasalanta ng baha

 32,938 total views

 32,938 total views Nagpadala na ng P200 libong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental. Labis ang naging pasasalamat ni Rev. Fr. Marvin Osmeña, ang Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis sa Caritas Manila sa paunang tulong nito para sa

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

1.5-milyong pisong GC, ipapamahagi ng Caritas Manila at Radio Veritas sa World Day of the Poor

 25,519 total views

 25,519 total views Aabot sa P1.5 milyong piso na halaga ng gift certificates (GC) ang ipamimigay ng Simbahang Katolika sa mga mahihirap sa paggunita ng World Day of The Poor sa araw ng Linggo ika-13 ng Nobyembre taong 2022. Ang mga gift certificates mula sa Caritas Manila ay ipinamigay ng Radyo Veritas 846 sa pamamagitan ng

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

 32,667 total views

 32,667 total views Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng. katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra

 32,584 total views

 32,584 total views Kumikilos na ang iba’t-ibang Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi. Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 22,923 total views

 22,923 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi ni Ms. Rowena Gabuya, ang program coordinator ng Pondo ng Pinoy sa lalawigan ng Biliran sa programang Caritas in Action. Ayon kay Gabuya, ilang mga lingkod ng Simbahan na siya

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

700K na GC, ipinamigay ng Radio Veritas at Caritas Manila sa mahihirap na pamilya

 22,863 total views

 22,863 total views Mahigit 700 daang libong piso na halaga ng ayuda ang ipinamimigay ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa mga mahihirap ngayong buwan ng Oktubre 2022. Kasabay ng ika-69 na anibersaryo ng Caritas Manila, inilunsad ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas ang pamamahagi ng 690 na gift certificates na nagkakahalaga ng P1,000-piso

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mga lider ng simbahan sa Luzon, nagpapasalamat sa maliit na epekto ng bagyong Karding

 25,664 total views

 25,664 total views Patuloy ang ating ginagawang pagkilos at komunikasyon ng iba’t ibang Diyosesis sa Luzon region kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Karding. Batay sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga kinatawan ng Simbahan Katolika sa Cordillera Region, walang naging malaking epekto ang bagyo sa rehiyon bagamat may naitalang landslide sa Tinoc-Kiangan road. Kinumpirma ito

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Material Recovery Facility ng Caritas Manila, kabuhayan para sa mga taga-Baseco

 25,466 total views

 25,466 total views Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation. Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap. Sinabi ni

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, nagpapasalamat sa Pondo ng Pinoy

 25,336 total views

 25,336 total views Nagpapasalamat ang Diocese of Ilagan sa patuloy na pagtulong ng Pondo ng Pinoy. Ayon kay Mother Mary Peter Camille Marasigan, FLDP o kilalala sa tawag na Mo. Camille, malaking tulong ang Pondo ng Pinoy sa kanilang mga programa na ginagawa sa lalawigan ng Isabela lalu na sa Feeding at Scholarship Program. Sinabi ni

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Social arm ng bawat diyosesis sa Norte, nakaantabay sa epekto ng bagyong Florita

 22,608 total views

 22,608 total views Patuloy na nakaantabay ang social arm ng simbahan sa Northern Luzon sa posibleng epekto ng Tropical Storm Florita. Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas 846 sa mga kinatawan ng Archdiocese of Tuguegarao sa Cagayan at Diocese of Ilagan sa Isabela, nanatili ang paghagupit ng bagyo sa kanilang mga lalawigan. Ayon kay Mo. Camille Marasigan

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

P4.7M, naibahaging tulong ng Caritas Manila sa mga napinsala ng lindol sa Northern Luzon

 32,304 total views

 32,304 total views Mahigit P4.7-milyong piso na tulong ang ibinahagi ng Caritas Manila sa 2 Diyosesis na napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon. Ito ay matapos muling magpadala ng P2.5 milyong piso na tulong pinansiyal ang social arm ng Archdiocese of Manila para sa Diocese of Bangued sa Abra at Archdiocese of Nueva

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Diocese of Laoag at Diocese of Ilagan, maghahatid ng tulong sa Diocese of Bangued

 22,715 total views

 22,715 total views Maghahatid ng tulong ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte para sa mga naapektuhan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra. Ito ang tiniyak ng Social Action Center ng Diyosesis matapos na makaiwas sa malaking pinsala ang kanilang lalawigan mula sa malakas na paglindol noong Miyerkules. Ayon kay Heneng Nieto, Coordinator

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Diocese of Bangued, magsasagawa ng relief intervention sa mga apektado ng lindol

 22,779 total views

 22,779 total views Kumikilos na ang Diocese of Bangued sa lalawigan ng Abra para agad na makapagsagawa ng paunang pagtulong para sa mga naapektuhan ng paglindol. Ayon kay Rev.Fr. Jeffrey Bueno, Social Action Director ng Diyosesis ng Bangued, nagsimula na ang kanilang on ground assessment at pagtukoy sa mga Parokya o Simbahan na may malaking pangangailangan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top