Labanan ng katotohanan ang election infodemic, hamon ng Obispo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Mahalaga ang lahat ng mga impormasyon at paraan na maaring makatulong sa mga botante upang matalinong makapili ng ihahalal sa nakatakdang eleksyon sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa panibagong serye ng LAIKO Online Conversation bilang patuloy na paghahanda sa nakatakdang National and Local elections sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, kasabay ng papalapit na halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022 ay mas higit na kinakailangang paigtingin ang mga hakbang upang magabayan ang bawat botante na maging mapanuri sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal na mga opisyal ng bayan.

“The May 9, 2022 election is fast approaching and anything that gives us information or guidance to make a proper decision of whom to vote for this coming election is a great value and importance.” pahayag ni Bishop Macaraeg.

Tema ng naging talakayan ang “The Truth Shall Set You Free” kung saan tinalakay ang malaking hamon sa bawat isa partikular na sa Simbahan na labanan ang laganap na infodemic tulad ng laganap na fake news ngayong panahon ng eleksyon.

Ipinaliwanag ni Laiko President Raymond Daniel “Jun” Cruz, Jr. na layunin ng LAIKO online conversation na bigyang diin ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng katotohanan.

Ayon kay Cruz, nawa ay magkaisa ang lahat sa pagpili at paghahalal ng mga kandidato na muling makapagbabalik ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.

“The truth will set you free, we hope that we can trust and bring people whom we could trust.” Pagbabahagi ni Cruz.

Iginiit ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng lahat ng 67-milyong mga botante upang maisulong ang tapat na halalan at mabuting pamamahala sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,804 total reads

 233,804 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 265,535 total reads

 265,535 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 367,359 total reads

 367,359 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,922 total reads

 407,922 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,924 total reads

 418,924 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top