VeritasPH

The Word, The Truth

May ibang paraan upang kumita ang pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 451 total views

Mga Kapanalig, dahil sa pandemya, marami sa mga nakasanayang gawin natin katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho, pagpapatingin sa doktor, at pamimili ng grocery ay online na. Ngunit pati ang mga bisyong katulad ng pagsusugal ay naging online na rin.

Bagamat matagal nang may online gambling, mas nauso ngayon ang online sabong o e-sabong. Dahil sa pagbabawal na buksan ang mga sabungan upang hindi magkumpulan ang mga tao, nanonood na lamang ang mga sabungero sa kanilang cellphone ng live na laban ng mga panabong na manok, at doon na rin sila nakikipagpustahan at tumataya. Kung ang operasyon ng mga sabungan ay kailangang may pahintulot ng lokal na pamahalaan, ang online sabong naman ay nasa ilalim ng regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (o PAGCOR). Pinatatakbo naman ng mga tinatawag na agents ang mga platforms kung saan nanonood at tumataya ang mga kasapi nilang sabungero. Hindi rin daw maaaring makapanood ang isang tao nang hindi tumataya. Ayon sa PAGCOR, ang industriya ng sabong ay nagkakahalaga ng 75 bilyong piso, kaya mahirap daw itong mawala lalo na’t may mga kababayan tayong dito kumukuha ng kabuhayan.

Sinabi noon ni Pangulong Duterte na tutol siya sa lahat ng uri ng pagsusugal dahil sa tinatawag na social costs nito o mga epektong nakasisira sa buhay at relasyon ng mga tumataya. Talamak din daw ang game-fixing o dayaan, at mahirap daw para sa gobyernong tiyaking hindi mahuhumaling ang kabataan sa mga ito. Ngunit kamakailan, pinayagan niya ang pagpapatuloy ng online sabong dahil daw sa ipinapasok nitong pera sa ating kaban. Kailangang-kailangan daw ang perang ito upang matustusan ang pagtugon ng pamahalaan sa nagpapatuloy pa ring pandemya at upang mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiyang pinilay ng pandemya. Nakumbinsi siya sa sinabi ng PAGCOR na maaaring umabot sa 8 bilyong piso ang kikitain ng pamahalaan ngayong taon mula lamang sa regulatory fees na babayaran ng mga lisensyadong magsagawa ng e-sabong.

Nakalulungkot isiping mas nangingibabaw sa ating pamahalaan ang perang makukuha mula sa mga nagsusugal kaysa sa nakababahalang epekto nito sa mga tao. Halimbawa, hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang mahigit sa 30 taong sangkot sa e-sabong na nawawala. Mayroon pang balita tungkol sa isang magulang na ibinenta ang sarili niyang anak sa halagang ₱45,000 para mabayaran ang inutang niyang perang ipinantaya sa online sabong. Ilan lamang ang mga ito sa mga nakababahala at nakatatakot na bunga ng pagkalulong sa sugal, ngunit handa ang ating pamahalaang isantabi ang mga ito kapalit ng sinasabing maidadagdag nito sa pondo ng bayan.

Kung dagdag na pondo din lang ang pag-uusapan, bakit hindi na lang habulin ng pamahalaan ang mga malalaking tao at negosyong hindi nagbabayad ng tamang buwis? Bakit hindi nito wakasan ang katiwaliang naglalagay ng pera ng bayan sa bulsa ng mga sakim na tao sa gobyerno? Ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis at korapsyon ay ilan lamang sa mga itinuturing ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Evangelii Gaudium na ugat ng kawalan ng kakayahan ng mga pamahalaang tiyaking nakikinabang ang lahat sa bunga ng kaunlaran. Siguradong mas malaki pa ang kikitain ng pamahalaan mula sa paghabol sa mga tumatakas sa pagbabayad ng buwis at sa mga kurakot, kaysa sa kitang mula sa pagsusugal, na iilan lamang ang nakikinabang at sumisira sa buhay ng ating mga kababayan.

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Mga Taga-Efeso 4:28, tayo, lalo na ang ating mga lider, ay tinatawagang “igawa ang [ating] mga kamay na mabuting bagay nang may maibigay sa nangangailangan.” Huwag lang tayong umasa sa mga bagay na magbibigay nga ng mabilis na pera, ngunit sumisira naman sa ating buhay at dignidad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 644 total views

 644 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 8,629 total views

 8,629 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 16,165 total views

 16,165 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 32,151 total views

 32,151 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 40,195 total views

 40,195 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 645 total views

 645 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 8,630 total views

 8,630 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 16,166 total views

 16,166 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 32,152 total views

 32,152 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 40,196 total views

 40,196 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,143 total views

 45,143 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,568 total views

 43,568 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,354 total views

 45,354 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,279 total views

 42,279 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,593 total views

 56,593 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,283 total views

 60,283 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,886 total views

 58,886 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,873 total views

 68,873 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,841 total views

 72,841 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,728 total views

 83,728 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top