Pagsasabatas ng RA 11650, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,318 total reads

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsasabatas ng Republic Act No.11650 o “ Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act.”

Tinitiyak ng batas na magkakaroon ng access sa edukasyon ang lahat ng Persons With Disability (PWD) na mag-aaral saan o anuman ang kanilang pinanggalingan na komunidad at relihiyon sa Pilipinas.

Ayon kay Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, maganda ang hakbang ng pamahalaan upang mas kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga ang mga PWDs sa bansa.

Bibigyan din sa batas nang proteksyon ang karapatan ng mga PWDs na magkaroon ng access upang makapag-aral at maging bahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa hinaharap.

“Ang pagpipirma ng Pangulong Duterte sa RA 11650 noong March 11 at ito ay I think narelease noong March 15, ay isang magandang pagpapakilala at magandang recognition at appreciation, sa kahalagahan ng mga taong may disability,”pahayag ng Pari sa Radio Veritas

Hiling naman ni Father Cancino sa bawat isa na magkaroon ng sapat na pakikibahagi at pagbabantay sa pagpapa-iral ng batas.

Ipinaliwanag ng Pari na kailangang matiyak na susundin at maglalaan ng sapat na pondo ang pamahalaan upang makapag-patayo ng mga pasilidad base sa pangangailangan ng mga PWDs.

“Sana itong batas na ito ay hindi maisantabi kasi populasyon nung mga people with disability ay lagi nating naisasantabi. Lalu siyang mas bigyan ng pansin baka maisantabi na naman sa pagba-budget. Let’s be very very vigilant yoong implementing rules and regulations, makilahok mismo ang komunindad, ang komunidad pakinggan ang kanilang boses,” ayon pa sa Pari.

Tiniyak din ni Father Cancino na nananatiling bukas ang Simbahang Katolika upang kalingain at bigyan ng pagkakataon ang may mga kapansanan na maglingkod sa Panginoon bilang kawani ng mga simbahan at parokya.

Aminado ang Pari na tinutulungan din ng PWDs ang mga walang kapansanan na makilala pa ng mas nakakarami ang Panginoon sa kanilang pagsisilbi bilang mabuting ehemplo.

“Para ma-evangelize sila pero alam mo sila din, ineevangelize din tayo, so it’s a two way process, as we share the word of God to them, sila din sa kanilang buhay sila din ay nagiging inspirasyon nagiging halimbawa sila magandang ehemplo para sa napakaraming tao kung paano yung lumaban sa buhay kung paano ang sakripisyo kung paano pahalagahan ang mayroon tayo,” ani Father Cancino.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 7,798 total reads

 7,798 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,005 total reads

 8,005 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 23,389 total reads

 23,389 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 145,754 total reads

 145,754 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 196,117 total reads

 196,117 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 323,175 total reads

 323,175 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 407,559 total reads

 407,559 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,006 total reads

 8,006 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top