Mamamayan, muling hinikayat na makiisa sa Earth Hour 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

Hinihikayat ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mananampalataya lalo na ang mga kumakandidato na makiisa sa taunang pagdiriwang ng Earth Hour.

Ayon kay Bishop Mangalinao, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na layunin ng Earth Hour na ipabatid sa bawat isa na tayo ay mayroon lamang iisang mundong ginagalawan at dapat na pakaingatan.

Sinabi ng obispo na ang pagpapatay ng ilaw at iba pang kagamitang de kuryente sa loob ng isang oras ay makakatulong upang mabigyang-pahinga ang mundo mula sa iba’t ibang gawain ng tao na nakakasira na sa kapaligiran.

“Tayo ay magkakasama bilang magkakapatid at sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw ay ipinapahinga natin ang ating buhay sa paggamit ng mga kuryente upang magkaroon tayo ng mas ibayong pagpapahalaga sa ating buong buhay sa kasalukuyan,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Mangalinao na nawa ang paggunita sa Earth Hour ay hindi lamang manatili sa loob ng isang oras, bagkus ay mas lalo pang lumalim at lumawak upang patuloy na yumabong tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“Sana po ang simbolo na ito ay magpalalim at magpalawak pa ng ating magagawa para po sa ating mundong ginagalawan,” ayon sa Obispo.

Tema ng Earth Hour 2022 ang ‘Shape Our Future’ na napapanahon dahil sa Mayo ay isasagawa ang National and Local Elections sa bansa.

Ang ika-15 ‘Earth Hour’ ay ipagdiriwang sa March 26, sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at sa buong mundo tampok ang pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Ito ay inisyatibo ng World Wide Fund for Nature-isang international non-government organization na unang isinagawa sa Sydney Australia noong 2007 at 2008 naman nang ilunsad sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 9,810 total reads

 9,810 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,214 total reads

 91,214 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,439 total reads

 185,439 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 245,929 total reads

 245,929 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,354 total reads

 259,354 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,095 total reads

 70,095 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top