Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Libu-libong residente ng Surigao na apektado ng bagyong Odette, hindi pa rin nakakabangon

SHARE THE TRUTH

 10,111 total views

Apektado pa rin ang pamumuhay ng maraming residente sa Diocese of Surigao tatlong buwan matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis, hanggang sa ngayon ay sinisikap pa ring bumangon ng mga residente mula sa malaking pinsala na iniwan ng bagyo.

Aminado si Fr. Ilogon na bagamat sumisigla na muli ang turismo sa kanilang lalawigan partikular sa isla ng Siargao ay hindi naman magawa ng ilan na makapaghanapbuhay sapagkat nasira ng bagyo ang kanilang mga kagamitan.

“Actually makakatulong ito kaya lang tulad sa Siargao ‘yun nga tungkol sa tourism marami rin nawalan [ng kabuhayan] tulad ng mga boatman wala na sila bangka na magagamit dahil nasira ng bagyo ‘yun din ang medyo mahirap sa kanila,” pahayag ng Pari sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Ilogon na bagamat nakatuon ang kanilang pansin ngayon sa rehabilitasyon ng mga nasira ang kabahayan ay pinag-aaralan na rin nila kung paano makakatulong sa kabuhayan ng mga residente.

“Nag-iisip din kami hindi lang sa Siargao kundi maging sa ibang lugar na siguro yung third phase na dapat pagtuunan namin ng pansin pagkatapos ng relief goods, ng rehabalitation ay pagtuunan din namin ng pansin ‘yung livelihood nila kasi nga kahit may bahay sila kung wala namang pagkain mahirap din,” dagdag pa ng Social Action Director ng Surigao.

Maliban sa turismo ay pangingisda ang pangunahing pinagkukuhanan ng kita ng mga mamamayan ng lalawigan at ng mga karatig nitong isla.

“Hindi lang sa tourism area kasi yung Surigao, surrounded ng mga islands, karamihan nasa pangingisda ang kanilang mga livelihood marami dito hindi makapangisda wala na silang pump boats o motor boats na ginagamit,” paliwanag ng Pari

Umaasa ang Diyosesis ng Surigao na sa pamamagitan ng mga tulong na patuloy na dumadating sa kanila ay matutugunan ng Simbahan ang panaghoy na ito ng mga mamamayan.

“Ipagpapatuloy namin ito hangga’t may makukuhanan pa ng funds kasi tinitiyak naman namin na kung masisimulan na namin ito may mga tao na mag volunteer din na magbibigay,” ani Fr. Ilogon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot sa mahigit 7 libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette sa Surigao City habang nasa mahigit 35 libong pamilya naman ang napinsala sa Siargao Island.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 17,743 total views

 17,743 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 68,306 total views

 68,306 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 16,349 total views

 16,349 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 73,487 total views

 73,487 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 53,682 total views

 53,682 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Rowel Garcia

Mamamayan, hinimok na suportahan ang Fast2Feed campaign ng Pondo ng Pinoy

 25,240 total views

 25,240 total views 17 taon na ang Diocese of Antipolo na nagsasagawa ng feeding program sa iba’t ibang parokya na nasasakupan ng lalawigan ng Rizal at lungsod ng Marikina. Ito ang ibinahagi ni Ms. Mona Valencia ng Social Action Center ng Diocese of Antipolo sa pagpapatuloy ng kanilang programa para sa bata na kulang sa timbang

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Huwag mag-aksaya ng pagkain, paalala ng simbahan sa mamamayan

 25,479 total views

 25,479 total views Pinalalahan ng Simbahang Katolika ang mamamayan na huwag mag-aksaya ng pagkain at gumawa ng pagtulong sa mga nagugutom lalo na ngayong Panahon ng Kuwaresma. Ito ang inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual kaugnay sa suliranin ng Pilipinas sa mataas na bilang ng mga

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagbigay ng cash aid sa mga nasalanta ng baha

 33,509 total views

 33,509 total views Nagpadala na ng P200 libong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental. Labis ang naging pasasalamat ni Rev. Fr. Marvin Osmeña, ang Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis sa Caritas Manila sa paunang tulong nito para sa

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

1.5-milyong pisong GC, ipapamahagi ng Caritas Manila at Radio Veritas sa World Day of the Poor

 25,926 total views

 25,926 total views Aabot sa P1.5 milyong piso na halaga ng gift certificates (GC) ang ipamimigay ng Simbahang Katolika sa mga mahihirap sa paggunita ng World Day of The Poor sa araw ng Linggo ika-13 ng Nobyembre taong 2022. Ang mga gift certificates mula sa Caritas Manila ay ipinamigay ng Radyo Veritas 846 sa pamamagitan ng

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

 33,238 total views

 33,238 total views Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng. katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra

 33,155 total views

 33,155 total views Kumikilos na ang iba’t-ibang Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi. Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 23,299 total views

 23,299 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi ni Ms. Rowena Gabuya, ang program coordinator ng Pondo ng Pinoy sa lalawigan ng Biliran sa programang Caritas in Action. Ayon kay Gabuya, ilang mga lingkod ng Simbahan na siya

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

700K na GC, ipinamigay ng Radio Veritas at Caritas Manila sa mahihirap na pamilya

 23,239 total views

 23,239 total views Mahigit 700 daang libong piso na halaga ng ayuda ang ipinamimigay ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa mga mahihirap ngayong buwan ng Oktubre 2022. Kasabay ng ika-69 na anibersaryo ng Caritas Manila, inilunsad ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas ang pamamahagi ng 690 na gift certificates na nagkakahalaga ng P1,000-piso

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mga lider ng simbahan sa Luzon, nagpapasalamat sa maliit na epekto ng bagyong Karding

 26,077 total views

 26,077 total views Patuloy ang ating ginagawang pagkilos at komunikasyon ng iba’t ibang Diyosesis sa Luzon region kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Karding. Batay sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga kinatawan ng Simbahan Katolika sa Cordillera Region, walang naging malaking epekto ang bagyo sa rehiyon bagamat may naitalang landslide sa Tinoc-Kiangan road. Kinumpirma ito

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Material Recovery Facility ng Caritas Manila, kabuhayan para sa mga taga-Baseco

 25,873 total views

 25,873 total views Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation. Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap. Sinabi ni

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, nagpapasalamat sa Pondo ng Pinoy

 25,743 total views

 25,743 total views Nagpapasalamat ang Diocese of Ilagan sa patuloy na pagtulong ng Pondo ng Pinoy. Ayon kay Mother Mary Peter Camille Marasigan, FLDP o kilalala sa tawag na Mo. Camille, malaking tulong ang Pondo ng Pinoy sa kanilang mga programa na ginagawa sa lalawigan ng Isabela lalu na sa Feeding at Scholarship Program. Sinabi ni

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Social arm ng bawat diyosesis sa Norte, nakaantabay sa epekto ng bagyong Florita

 22,979 total views

 22,979 total views Patuloy na nakaantabay ang social arm ng simbahan sa Northern Luzon sa posibleng epekto ng Tropical Storm Florita. Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas 846 sa mga kinatawan ng Archdiocese of Tuguegarao sa Cagayan at Diocese of Ilagan sa Isabela, nanatili ang paghagupit ng bagyo sa kanilang mga lalawigan. Ayon kay Mo. Camille Marasigan

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

P4.7M, naibahaging tulong ng Caritas Manila sa mga napinsala ng lindol sa Northern Luzon

 32,875 total views

 32,875 total views Mahigit P4.7-milyong piso na tulong ang ibinahagi ng Caritas Manila sa 2 Diyosesis na napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon. Ito ay matapos muling magpadala ng P2.5 milyong piso na tulong pinansiyal ang social arm ng Archdiocese of Manila para sa Diocese of Bangued sa Abra at Archdiocese of Nueva

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Diocese of Laoag at Diocese of Ilagan, maghahatid ng tulong sa Diocese of Bangued

 23,091 total views

 23,091 total views Maghahatid ng tulong ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte para sa mga naapektuhan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra. Ito ang tiniyak ng Social Action Center ng Diyosesis matapos na makaiwas sa malaking pinsala ang kanilang lalawigan mula sa malakas na paglindol noong Miyerkules. Ayon kay Heneng Nieto, Coordinator

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Diocese of Bangued, magsasagawa ng relief intervention sa mga apektado ng lindol

 23,155 total views

 23,155 total views Kumikilos na ang Diocese of Bangued sa lalawigan ng Abra para agad na makapagsagawa ng paunang pagtulong para sa mga naapektuhan ng paglindol. Ayon kay Rev.Fr. Jeffrey Bueno, Social Action Director ng Diyosesis ng Bangued, nagsimula na ang kanilang on ground assessment at pagtukoy sa mga Parokya o Simbahan na may malaking pangangailangan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top