Education for Social transformation ng mga guro, iminungkahi ng Madre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 882 total reads

Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na kamalayan ng mga guro sa mga usaping panlipunan upang ganap na magabayan ang mga kabataan sa tunay na nagaganap sa bayan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Former President ng St. Scholastica’s College Manila sa naganap na 2022 CEAP National JEEPGY Conference kung saan tinalakay ang ‘Education for Social Transformation’.

Ayon sa Madre, magsisimula sa kamalayan ng mga guro ang pagiging mulat ng kabataan sa mga tunay na nagaganap sa lipunan.

Ipinaliwanag ni Sr. Mananzan na importante ang maalab na pagnanais ng mga guro na magkaroon ng pagbabago sa lipunan upang mahubog ang mga mag-aaral sa pagmamahal sa bayan at sa kapwa.

“First of all the most important thing is to educate the teachers kasi if the teachers are really impute with the social orientation, it will go into their classes you do not have to go directly to the students, no. You go to the teachers and when the teachers are talagang burning with this ideal of really transforming society it will appear, it will go into their lessons plans, it will go into the methodology.” pahayag ni Sr. Mananzan

Ibinahagi ng Madre na hindi lamang takot ang nakakahawa kundi maging ang tapang at paninindigan sa iba’t-ibang mga usaping panlipunan.

Iginiit ni Sr. Mananzan na bahagi ng tungkulin ng Simbahan na magsilbing halimbawa sa taumbayan sa pagkakaroon ng lakas at tapang na manindigan laban sa mga maling nagaganap sa lipunan.

“Fear is infectious but so is courage, when we see people sowing a bit of courage we are so inspired also to act with courage, I think that is our role as church people now to answer, to respond to this challenge of prophecy.” Dagdag pa ni Sr. Mananzan.

Nagsimula ang weeklong 2022 CEAP National JEEPGY Conference noong ika-14 ng Marso at magtatagal hanggang sa ika-21 ng buwan sa pakikipagtulungan ng Private Education Assistance Commission (PEAC) na maari namang masubaybayan sa official Facebook page ng CEAP.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,847 total reads

 6,847 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,026 total reads

 7,026 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,945 total reads

 21,945 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 144,374 total reads

 144,374 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,738 total reads

 194,738 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,796 total reads

 321,796 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 406,282 total reads

 406,282 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top