P4.7M, naibahaging tulong ng Caritas Manila sa mga napinsala ng lindol sa Northern Luzon

SHARE THE TRUTH

 57,988 total views

Mahigit P4.7-milyong piso na tulong ang ibinahagi ng Caritas Manila sa 2 Diyosesis na napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Ito ay matapos muling magpadala ng P2.5 milyong piso na tulong pinansiyal ang social arm ng Archdiocese of Manila para sa Diocese of Bangued sa Abra at Archdiocese of Nueva Segovia sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Unang nagpadala ang Caritas Manila ng mahigit sa P2.29-milyong pisong halaga ng mga non-food items na agad inihatid sa dalawang Diyosesis matapos ang naganap na paglindol sa tulong ng Radyo Veritas 846.

Read Story: 2 truckloads na tulong, ipapamahagi ng Caritas Manila sa Northern Luzon quake victims

Nagpapasalamat naman ang mga lider ng 2 Diyosesis na labis na napinsala ng lindol sa maagap na pagtugon ng Caritas Manila.

“Una sa lahat pasasalamat lalo na sa Caritas Manila. Ito yung unang damdamin ko pasasalamat sa pakikiisa nyo sa amin. Talaga po itong nararanasan namin ngunit ito ay hindi inaasahan ang pagdating ninyo ay pagpapatunay sa sinasabi ng Santo Papa na nagkakaisa tayong naglalakbay, kapanalig, mga kalakbay sa buhay maraming salamat po” mensahe ni Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian sa tulong ng Caritas Manila.

“Fr. Anton [Pascual] thank you! you called us after the earthquake at tinanong kung ano ang pwedeng maitulong ninyo at alam namin na nandiyan kayo na handang tumulong nagpapasalamat kami through Caritas [Manila], ito ulit ang appeal namin sana tuloy pa din ang tulong ninyo para sa aming mga Kaparian” mensahe naman ng Arsobispo ng Nueva Caceres Archdiocese na si Archbishop Marlo Peralta.

Hinimok din ni Arhbishop Peralta ang mga mananampalataya na patuloy na magpamalas ng pagtutulungan lalo na sa mga ganitong uri ng pagsubok.

Sinabi ng Arsobispo na ang pagtulong ay hindi lamang nasusukat sa laki ng kakayanan ng tumutulong kundi mas higit sa pamamagitan ng kagustuhan nito na makatulong.

“yung Christian responsibility natin ay magtulungan talaga ngayon sa pagtutulungan hindi lang sana yung may kaya, kailangan din maski yun mga tao na kahit sabihin nila na medyo hirap din ang buhay nila mas mahalaga pa ang tulong nila kung ang kapwa mahirap tumutulong sa kapwa mahirap ito ang mahalagang tulong sa mata ng Diyos.” Dagdag pa ni Archbishop Peralta.

Batay sa datos umabot sa mahigit P1.8 bilyong piso ang halaga ng pinsala ng naganap na lindol sa mga lalawigan sa Luzon habang umabot na sa 11 ang nasawi at nasa mahigit 600 ang nasugatan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,557 total views

 14,557 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,077 total views

 32,077 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,653 total views

 85,653 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,892 total views

 102,892 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,381 total views

 117,381 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,929 total views

 21,929 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 27,490 total views

 27,490 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 40,782 total views

 40,782 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top