Diocese of Laoag at Diocese of Ilagan, maghahatid ng tulong sa Diocese of Bangued

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,028 total reads

Maghahatid ng tulong ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte para sa mga naapektuhan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra.

Ito ang tiniyak ng Social Action Center ng Diyosesis matapos na makaiwas sa malaking pinsala ang kanilang lalawigan mula sa malakas na paglindol noong Miyerkules.

Ayon kay Heneng Nieto, Coordinator ng Social Action ng Diocese of Laoag, bukas ay inaasahan na tutungo ang kanilang grupo sa Diocese of Bangued para maghatid ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Sinabi ni Nieto na tugon ito sa kagustuhan ni Laoag Bishop Renato Mayugba na agad na magbahagi ng pagdamay at pakikiisa sa kanilang karatig lalawigan na napinsala ng paglindol.

“nagpe-prepare na kami ng goods, mamaya magsisimula na kami na mag-repack, sa Abra muna ang target ni Bishop [Mayugba] bukas, may dalawang Pari na kasama yun isa yung Assistant Program Director namin dito [Social Action]” pahayag ni Nieto sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Mother Mary Peter Camille Marasigan FLDP ng Diocese of Ilagan sa Isabela na magbabahagi din sila ng tulong sa mga lalawigan na napinsala ng lindol.

Ayon kay Mo. Camille, ipinag-utos na ni Bp. David William Antonio ang pagsasagawa ng second collection sa 43 Parokya sa Diocese of Ilagan para ipangtulong sa mga karatig Diyosesis na napinsala ng Magnitude 7 earthquake.

“Mag-second collection kami sa Sunday sa lahat ng Parokya yan ang una instruction ni Bishop [Antonio], kahit naman noong nagkaroon ng landslide sa Ifugao nagpadala din kami ng tulong na kaunti, ngayon hihintayin lang namin hanggang Sunday” pahayag ng Madre sa panayam ng Radyo Veritas.

Bagamat napapasalamat si Mo.Camille na hindi na nagdulot pa ng pinsala ang lindol sa kanilang lalawigan ay nagpapahayag naman sila ng pagdarasal at pakikiisa sa mga apektadong pamilya partikular na sa Diocese ng Bangued at Archdiocese of Nueva Segovia.

Magugunitang una nang umapela ng tulong ang dalawang pinaka naapektuhan Diyosesis sa Northern Luzon para sa ano mang tulong at donasyon.

See: https://www.veritasph.net/simbahan-sa-northern-luzon-umaapela-ng-tulong/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,941 total reads

 78,941 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,539 total reads

 113,539 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,839 total reads

 148,839 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,108 total reads

 375,108 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,249 total reads

 264,249 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,533 total reads

 111,533 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top