VeritasPH

The Word, The Truth

 318 total views

Homiliya para sa 28 ng Hulyo 2022, Huwebes ng ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Mat 13:47-53

Kahapon nabanggit ko na kapag hindi mo binasang mabuti ang talinghaga, hindi mo makukuha ang punto. Tulad ng pagbasa natin ngayon. Sa unang basa, akala mo kinukumpara ang kaharian ng Diyos sa isang lambat. Hindi. Inihahalintulad sa kaharian ng Doyos ay ang ginagawa ng mangingisda sa mga nahuhuli ng kanyang lambat. Hindi naman lahat ay iuuwi niya. Pinagbubukod-bukod niya ang mga isda ayon sa klase, laki, o bigat nito. Ang iba ay ibinabalik niya sa tubig. Ang tawag dito sa Ingles ay SORTING OUT. Pero may mas common na salita para dito na hindi na masyadong ginagamit ngayon dahil mas malakas ang negative na connotation o kahulugan nito—ang salitang SEGREGATION.

May historical background kasi ang salitang SEGREGATION, lalo na sa mga bansang bago-bago pa lang nakawala sa kultura ng racial discrimination. Ilang dekada pa lang ang nagdaan mula napawalang bisa sa Estados Unidos ng Amerika ang mga batas at mga patakaran na nagpapalaganap ng racial discrimination. Ganyan din ang patakaran ng apartheid noon sa South Africa. Ngayon nga, parang ibig na namang ibalik ang pananaw na ito sa Amerika, lalo na sa tipo ng pulitikang itinataguyod ng mga White Supremacists. Ang iba ginagamit pa nga ang relihiyon bilang batayan ng hindi-makataong mga patakaran.

Buhay pa nga ang marami sa mga black Americans o tinatawag na “people of color” sa America na nakaranas ng segregation ng mga puti sa itim o may kulay sa mga serbisyong pampubliko: sa toilets, sa bus, sa mga restoran, palengke at mga eskwelahan. Palagay ko nakuha nila ang prinsipyong ito sa paglalaba—kung ayaw mo daw makupasan ang damit sa labahan lalo na ang puti, dapat huwag paghaluin ang puti sa de-color sa washing machine.

Ang layo naman yata ng damit sa tao. Mabuti na lang maagang nakapag-isip-isip ang mga gumawa ng mga ganyang patakaran na kahit ano pa ang kulay ng balat ng tao, pareho lang ang amoy ng dumi nila sa kubeta, at pareho din lang ang kulay ng dugo nila kapag nasugatan. In short pareho lang ang dignidad ng tao. Walang mataas o mababa pagdating sa dangal ng pagkatao sa kabila ng anumang mga pagkakaiba. Kaya mas nasasanay na tayo ngayon sa mga lipunang multi-cultural, multi-ethnic, multi-racial, multi-religious. May paggalang sa plurality at diversity.

Pero sa ating pagbasa ngayon, positive ang kahulugan ng SEGREGATION. Walang ipinag-iba sa pinaka-importanteng prinsipyo sa Ecological Solid Waste Management. Ano nga ba naman ang maiko-compost mo o mairi-recycle mo kung lahat ng basura basta mo lang pinagsama-sama sa iisang lalagyan? Walang malasakit sa kapaligiran ang taong ganyan. Ang isang responsableng mamamayan ay sanay sa segregation of solid wastes—ang pagbubukod-bukod ng mga nabubulok at hindi nabubulok.

Ganyan din daw sa kaharian ng Diyos. Mahalaga daw na ilagay sa tamang lugar ang mga bagay-bagay. Hindi ilalagay ang bagong alak sa lumang balat na sisidlan o lumang alak sa bagong sisidlan. Kung hindi, masasayang lang pareho ang alak at sisidlan. Huwag din daw magsulsi ng lumang tela sa bagong damit. Bukod sa tamang lugar o kalagayan, mahalaga din ang tamang panahon. Di ba nasusulat din ito sa aklat ng Eklesiastes? May tamang panahon daw para sa bawat bagay at karanasan dito sa mundo.

Tamang lugar, tamang panahon, tamang sitwasyon. Ang alagad ng kaharian dapat daw marunong kumilatis, mahusay pumili, mahusay magsaayos, hindi lang sa panlabas kundi pati sa panloob—tinatandaan ang dapat tandaan, kinakalimutan ang dapat kalimutan, marunong kumilala sa tama at mali, hindi pinagsasama ang kasinungalingan at katotohanan, ang disente at kabastusan, ang nararapat at hindi.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,927 total views

 12,927 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,912 total views

 20,912 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,448 total views

 28,448 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,433 total views

 44,433 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,477 total views

 52,477 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 386 total views

 386 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,141 total views

 3,141 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,556 total views

 7,556 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,882 total views

 2,882 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,405 total views

 3,405 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,904 total views

 4,904 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,748 total views

 5,748 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,003 total views

 4,003 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,216 total views

 8,216 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,449 total views

 7,449 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,659 total views

 11,659 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,107 total views

 5,107 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,111 total views

 5,111 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,111 total views

 5,111 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,103 total views

 5,103 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top