Simbahan sa Northern Luzon, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,851 total views

Umapela ng tulong at panalangin ang Archdiocese of Nueva Segovia sa lalawigan ng Ilocos Sur matapos ang pinsalang iniwan ng magnitude 7.3 na paglindol sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay Rev. Fr. Danilo Martinez, ang Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia, malaking pinsala ang dinulot ng lindol sa kanilang lalawigan kung saan marami sa mga residente ang naapektuhan ang kanilang mga tahanan at mga nagsilikas.

“Yun simbahan namin may damage tapos until now nagdadatingan yun mga report ng rapid assessment namin. Yun mga damage at mga tao at hanggang ngayon nakita namin kahit konti pa lang [ang napuntahan] marami na talagang na damage na Simbahan at mga bahay pero wala pang report ng casualty meron lang nasugatan kasi maraming nasa labas nung oras na yun,” pahayag ni Fr. Martinez sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa ngayon aniya ay suliranin ang pagbili ng mga pangunahing pangangailangan sa Ilocos Sur dahil nagsara ang marami sa mga pamilihan.

Kasalukuyan naglalakbay si Fr. Martinez nang makapanayam ng Radyo Veritas kung saan galing sa Seminar sa Tagaytay City ay agad itong bumiyahe pabalik ng Ilocos Sur.

“Unang-una po nagpapasalamat po kami sa mga panalangin ninyo, marami po ang nasira at humihingi kami ulit ng tulong sa mga nakikinig sa mga may puso kailangan namin ng tulong, actually inutusan ko na ang mga staff ko to buy some relief goods pero sabi sa akin mostly ng [groceries] ay sarado wala pa kaming mabilhan ng kailangan namin sa relief operation,” wika ng Pari.

“Hopefully tomorrow pwede na kami mag start pero humihingi kami ng tulong lalo na sa mga nakikinig dahil kailangan namin ngayon ng immediate na tulong para sa mga nangangailangan at biktima ng lindol na ito,” dagdag pa ng Direktor ng Caritas Nueva Segovia.

Maliban sa pinsala sa mga kabahayan at establisyimento sa Ilocos Sur ay hindi rin nakaligtas sa pinsala ang ilan sa mga Simbahan at Parokya.

Batay sa mga ipinadalang larawan ng Caritas Nueva Segovia, napinsala ang St. William the Hermit Parish sa Magsingal Ilocos Sur, Our Lady of Hope Parish sa bayan ng Caoyan, St. John the Baptist Parish Church at St. Mark the Evangelist sa bayan ng Cabugao.

Una nang inihayag ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta na nasira ang facade ng Vigan Cathedral o ang Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul nma itinayo noon pang 1800.

Tingnan: https://www.veritasph.net/kaligtasan-ng-bawat-isa-sa-panganib-na-dulot-ng-lindol-panalangin-ni-archbishop-peralta/

Kaugnay nito, patuloy pa ang isinasagawang assessment ng iba’t-ibang mga sangay ng Simbahang Katolika hindi lamang sa Ilocos Sur kundi maging sa Diocese ng Bangued sa lalawigan ng Abra kung saan naitala ang epicenter ng lindol.(rowel)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 17,097 total views

 17,097 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 47,320 total views

 47,320 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 73,971 total views

 73,971 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 168,944 total views

 168,944 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 189,109 total views

 189,109 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 88,956 total views

 88,956 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top