Mamamayan, binalaan ng Diocese of Kalookan sa umiikot na pekeng lingkod ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Binabalaan ng Diocese of Kalookan ang mamamayan laban sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan na ginagamit ang pangalan ng diyosesis at ng Simbahang Katolika upang makapanglinlang.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng diyosesis ang larawan ng isang lalaki na nagpapakilalang John Michael Castillo na isang seminarista at umiikot sa diyosesis upang humingi ng donasyon o tulong pinansyal para sa kanyang nalalapit na ordinasyon.

Nilinaw ng Diyosesis ng Kalookan na hindi seminarista at hindi kandidato sa ordinasyon ng pagpapari sa diyosesis ang lalake at wala rin itong kaugnayan sa sinumang pari at Obispo.

“Ang lalaki na nasa larawan ay kasalukuyang umiikot sa komunidad ng ating Diyosesis at nagpapakilalang si John Michael Castillo. Siya ay nagpapakilala bilang isang seminarista at humihingi ng donasyon o tulong pinansyal para sa kanyang nalalapit na ordinasyon. Nais po naming ipagbigay alam sa publiko na ang lalaki na ito ay hindi seminarista ng ating Diyosesis at hindi kandidato sa ordinasyon ng pagpapari. Siya ay hindi konektado sa Obispo o sino mang kaparian ng ating Diyosesis,” ang bahagi ng babala ng Diyosesis ng Kalookan.

Pinayuhan ng Diyosesis ng Kalookan ang mga mananampalataya na maging alerto sa mga hindi kanaisnais at kaduda-dudang indibidwal at hingan ito ng katibayan ng pagkakakilanlan o kaya tumawag sa Chancery Office sa numerong 8461-5051.

Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na mag-ingat laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng Simbahan, kongregasyon, cardinal, obispo, pari, madre at iba pang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang at makapangalap ng donasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,935 total reads

 78,935 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,533 total reads

 113,533 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,833 total reads

 148,833 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,102 total reads

 375,102 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,243 total reads

 264,243 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top