Mamamayan ng Abra, natatakot sa nararanasang aftershocks

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,366 total reads

Hindi pa rin napapawi ang pangamba ng maraming residente sa lalawigan ng Abra dahil sa patuloy na nararanasan na mga aftershocks matapos ang naganap na magnitude 7 na paglindol noong nakaraang araw ng Miyerkules.

Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa isa sa mga kinatawan ng Social Action Center ng Diocese of Bangued (Abra), sinabi ni Asuncion Reyes na hanggang sa kasalukuyan ay may kalakasan pa din ang kanilang mga nararanasang aftershocks halos dalawang araw makalipas ang malakas na paglindol.

Ibinahagi ni Asuncion ang abiso ng mga otoridad sa mga residente na manatili sa labas ng kanilang mga tahanan lalo na kung napinsala ito ng lindol.

Inihayag ni Asuncion na maraming pamilya ang nanatili ngayon sa mga evacuation camps sa Bangued, Abra habang marami sa mga istraktura ng Simbahang Katolika ang nasira.

“We are advice to stay outside our houses, may ibang mga lugar na isolated due to landslide dito mismo sa Bangued may mga families na nasa covered court sa plaza, maraming bahay, churches and chapels ang nasira,” mensahe na pinadala ni Asuncion sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, sinabi ni Asuncion na suliranin ang pagkain at inumin tubig sa Diyosesis matapos na masira din ang linya ng tubig habang hindi pa normal ang linya ng elektrisidad at internet.

“Food, hygiene kits ang immediate need [dito] nasira din ang linya ng tubig. We cannot conduct ocular visit kasi sunod-sunod pa ang mga aftershocks. Mahirap ang trasnportation kasi putol at na-slides mga kalsada at tulay,” pahayag ni Asuncion na siya rin Scholarship Program Coordinator ng Caritas Manila sa lalawigan.

Una nang inihayag ng Social Action Director ng Diocese of Bangued na si Rev. Fr. Jeffrey Bueno na 24 na parokya sa 27 munisipalidad ng Abra ang labis na naapektuhan ng naganap na paglindol.

See: https://www.veritasph.net/24-parokya-sa-diocese-of-bangued-apektado-ng-lindol/

Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS umabot na sa mahigit 800 aftershocks ang naitala sa lalawigan ng Abra buhat ng maganap ang malakas na lindol.

Isa rin sa mga labis na napinsala ng lindol ang Archdiocese of Nueva Segovia sa Ilocos Sur kung saan maraming kabahayan, Simbahan at tourist destination ang nasira.

See: https://www.veritasph.net/kaligtasan-ng-bawat-isa-sa-panganib-na-dulot-ng-lindol-panalangin-ni-archbishop-peralta/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,890 total reads

 78,890 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,492 total reads

 113,492 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,792 total reads

 148,792 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,061 total reads

 375,061 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,205 total reads

 264,205 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,530 total reads

 111,530 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top