Diocese of Bangued, magsasagawa ng relief intervention sa mga apektado ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,312 total reads

Kumikilos na ang Diocese of Bangued sa lalawigan ng Abra para agad na makapagsagawa ng paunang pagtulong para sa mga naapektuhan ng paglindol.

Ayon kay Rev.Fr. Jeffrey Bueno, Social Action Director ng Diyosesis ng Bangued, nagsimula na ang kanilang on ground assessment at pagtukoy sa mga Parokya o Simbahan na may malaking pangangailangan ng pagtulong.

Aminado si Fr. Bueno na malaking pinsala ang iniwan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra kaya’t hindi magiging madali ang pagsisimula ng relief intervention ng Diyosesis na halos nasira din ang maraming imprastraktura, kapilya, at paaralan.

“Tinignan namin yun talagang affected na Churches yun mga school na sakop ng mga Parokya i-fofocus natin sa kanila yung ating intervention then may mga na-identify na kam ina pwedeng pagdalhan ng food packs, bukas ng umaga yung Social Action ng mational may pupunta na team dito at magdadala na din ng food packs.”Pahayag ni Fr. Bueno sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na ipapadaan nila sa mga Parokya at Kura Paroko nito ang tulong na kanilang ipaabot para sa mga apektadong residente.

“Sa mga Parishes in coordination with the Parish Priest para sila naman ang mag-identify ng mga nangangailangan doon sa areas nila, lalo na sa mga far-flung areas we will be dropping [goods] sa Parishes then they can help us to identify [beneficiaries]” dagdag pa ng Direktor ng Social Action ng Bangued Abra.

Bukas naman ang Diocese para sa ano mang tulong pinansiyal na nais ipaabot ng mga mananampalataya para makatulong sa kanilang gagawing relief operation.

Batay sa una nang panayam ni Fr. Bueno sa programang Veritas Pilipinas, sinabi nitong 24 na Parokya sa 27 Munisipalidad ng Abra Province ang napinsala ng lindol.

Para sa ano mang tulong o donasyon maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Social Action Center ng Diocese of Bangued o kaya ay mag-deposito sa bank account na; PNB Savings Account Name: Roman Catholic Bishop of Bangued, account number; 222-6100831-94

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,934 total reads

 78,934 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,532 total reads

 113,532 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,832 total reads

 148,832 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,101 total reads

 375,101 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,242 total reads

 264,242 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,531 total reads

 111,531 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top