Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Education is the best social equalizer – Fr. Anton CT Pascual

SHARE THE TRUTH

 617 total views

Nanindigan ang opisyal ng Caritas Manila na mahalaga ang edukasyon para umangat ang antas ng pamumuhay ng mamamayan.

Ayon kay Father Anton CT. Pascual, Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila at pangulo ng Radio Veritas, tinutukan ng institusyon ang scholarship program ng Simbahan na malaking hakbang upang masugpo ang kahirapan sa bansa.

“Ang scholarship ang magandang programa sa poverty eradication kung nais nating alisin ang kahirapan, education is the best social equalizer,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Malugod na ibinahagi ng opisyal na ngayong taon ay 1, 569 sa 5, 000 scholar ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP ng Caritas Manila ang nagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at technical vocation courses.

Ayon kay Fr. Pascual sa nasabing bilang tatlo ang Summa Cum Laude, pito ang Magna Cum Laude, 70 ang Cum Laude at daan-daan ang with highest honors mula sa mga estudyanteng pinag-aaral sa buong bansa.

Ikinatuwa ng pari na dalawa sa pitong magna cum laude ay mga Muslim na tinulungan ng simbahang makapagtapos sa pag-aaral.

Kasalukuyang naghahanda ang pamahalaan sa pagbubukas ng klase kung saan ipatutupad na ang face to face classes sa maraming bahagi ng bansa kaya’t apela ni Fr. Pascual sa mamamayan na suportahan ang mga programa ng simbahan tulad ng Caritas YSLEP.

“Suportahan natin ang mga programa ng Caritas Manila lalo na ang YSLEP ang ating education scholarship program,” ani Fr. Pascual.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,217 total views

 18,217 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,305 total views

 34,305 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,022 total views

 72,022 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,973 total views

 82,973 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,487 total views

 26,487 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top