Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,645 total reads

Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa.

Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City.

Sinabi ng obispo na ang mga sakramento ay paalala sa bawat isa sa tungkulin bilang bahagi ng krisitiyanong pamayanan at maging gabay sa buhay.

“Hinihikayat ko ang lahat ng sakop ng Military Ordinariate sa lahat ng branch of service na mabigyan ng pastoral at spiritual enhancement, tulad ng ginawa natin ngayon dito sa BFP na kumpil…ito ay some sort of reminder na sa buhay hindi lang wordly concern ang atupagin but also spiritual nourishment. This is one of those enhancement saka welfare para sa kanilang paglago sa kanilang pananampalataya at buhay espiritwal,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Ang kumpilang bayan ng BFP ay inisyastibo ng BFP Chaplain Service na pinamumunuan ni Fr. (FSSUPT.) Randy Baluso kasama si Post Chaplain Fr. (FSINP.) Raymond Tapia.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang sa kapistahan ni St. Florian na patron ng mga firefighters na ipinagdiriwang tuwing May 4.

Ikinagalak ni Bishop Florencio ang pagiging aktibo ng mga chaplaincies para gabayan ang mga men and women in service sa paghuhubog ng moralidad at espiritwalidad.

Hiling ng obispo ang patuloy na panalangin upang lumago pa ang bokasyon ng military diocese at madadagdagan ang mga naglilingkod sa mga chaplaincy ng iba’t ibang branch of service.

“Hinikayat ko ang mamamayan na ipanalangin na magkaroon pa ng mas marami pang mga chaplains na makatutulong sa moral welfare ng ating mga tropa,” ani Bishop Florencio.

Sa paninilbihan ni Bishop Florencio mula nang maitalaga noong 2019 aktibo itong nag-iikot sa mga kampo sa buong Pilipinas para bisitahin ang mga uniformed personnel.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay ng buhay espiritwal ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sa tala, aabot sa mahigit 220,000 ang bilang ng mga kawani ng AFP, PNP, at PCG na ginagabayan ng Military Ordinariate of the Philippines mula sa iba’t ibang kampo at rehiyon sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 54,264 total reads

 54,264 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 158,764 total reads

 158,764 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 195,551 total reads

 195,551 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 226,127 total reads

 226,127 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 272,346 total reads

 272,346 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top