Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Material Recovery Facility ng Caritas Manila, kabuhayan para sa mga taga-Baseco

SHARE THE TRUTH

 46,846 total views

Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation.

Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Bello na itinayo ang MRF na naglalayong magbigay ng kabuhayan sa mga residente lalo na sa mga kababaihan, sa pamamagitan ng pagtitipon at pagpili ng mga basurang maari pang pakinabangan at maibenta.

Ayon kay Bello, bukod sa napagkakakitaan ay nakakatulong din ang proyekto na mabawasan ang mga basurang itinatapon sa mga dump site.

“Nakakatuwa po bagamat basura lang ito pero sobrang laking tulong. Hindi namin inasahan na ganito ang magiging tagumpay ng programa kaya nagpapasalamat ako sa lahat sa ‘sponsors’ ng programa, sobrang laking tulong po nito sa komunidad ng Baseco at sa mga beneficiaries,” ayon kay ni Bello sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radio Veritas.

Sinabi din ni Bello na malaki ang suliranin ng kanilang komunidad sa basura lalo na’t marami pa rin ang hindi nagpapatupad ng waste segregation, kaya’t nakatulong ang MRF na maitaas ang antas ng kamalayan ng mga residente sa waste management.

Sa Republic Act 9003-mandato ng mga lokal na pamahalaan na magtayo ng Material Recovery Facility upang makatulong na mabawasan ang mga basura.

Batay sa datos, 13-libong pamilya ang naninirahan sa BASECO Maynila na ang malaking bilang ng populasyon ay maituturing na mahihirap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 49,286 total views

 49,286 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 65,458 total views

 65,458 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 105,169 total views

 105,169 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 165,317 total views

 165,317 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 177,609 total views

 177,609 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 53,186 total views

 53,186 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 66,479 total views

 66,479 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top