Caritas Manila, nagpadala ng tulong pinansiyal sa Caritas Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,868 total reads

Nagpadala ng isang milyong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Caritas Ukraine.

Ito ay bilang pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Una nang nakipag-ugnayan si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual kay Caritas Internationalis President at dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle upang ipahayag ang kagustuhan ng Manila-based Caritas na magpadala ng tulong sa Ukraine.

Sa naging panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Pascual,sinabi nito na ang Caritas Manila ay nakikiisa sa panawagan ng kapayapaan at naniniwala siyang walang sinuman ang nananalo sa digmaan.

Una nang umapela ng pagkakaisa at tulong pinansiyal ang Caritas Ukraine para sa mga mamamayan ng kanilang bansa na naiipit sa kaguluhan.

Sa isang panayam ng Rome-based media agency na Vatican News kay Cardinal Tagle, sinabi nito na labis ang kanyang nararamdamang kalungkutan dahil sa epekto ng patuloy na nagaganap na digmaan.

Umaasa ang Kardinal na hindi pa rin mawawala ang pag-asa na magkakaroon ng usaping pangkapayapaan at matitigil na ang alitan ng dalawang nasabing bansa lalo na bilang paggunita sa panahon ng kuwaresma.

“As Christians, we must trust that hope is always in God. In this season of Lent, the Church – through the Readings – invites us to renew our hope in Jesus Christ. And this hope means the triumph of love, of mercy. We now see concrete signs of this hope. No gun can kill hope, the goodness of the spirit in the human person. There are so many testimonies to this. The hope in Jesus Christ and His Resurrection is true and is seen precisely in the testimony of so many people.” Bahagi ng panayam ng Vatican News kay Cardinal Tagle.

Batay sa datos ng World Population Review tinatayang nasa 43.3 milyong ang populasyon ng Ukraine bago nagsimula ang paglusob ng Russia.

Marami sa mga pamilya ang nagsilikas na sa mga katabi nitong bansa habang ang ilang ay nasa pangangalaga ng mga institusyon ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 228,363 total reads

 228,363 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 260,094 total reads

 260,094 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,918 total reads

 361,918 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 402,481 total reads

 402,481 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,812 total reads

 413,812 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 109,850 total reads

 109,850 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top