Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabataan, hinimok na magsilbing PPCRV volunteers

SHARE THE TRUTH

 1,839 total views

Hinimok ng opisyal ng Parish Pastoral for Responsible Voting ang mga kabataan na maging aktibo sa pagbabantay at paglilingkod sa gaganaping halalan sa Mayo.

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Noel Nuguid, Director ng Diocesan Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV- Diocese of Balanga), kaugnay sa kanilang paghahangand na makahanap pa ng mga karagdagang volunteers para sa May 9, 2022 Election.

Ayon kay Fr. Nuguid, kailangan nila ang mga kabataan para matagumpay na mabantayan at maihatid ang makatotohanang impormasyon sa darating na halalan.

Kinilala ng Pari na malaki ang maiaambag ng mga kabataan lalo na sa kaalamang teknika.

“isa sa mga bagay na matingkad ay paanyaya sa mga kabataan lalo higit nasa loob pa din tayo ng pandemya, pangalawa may mga teknikal na pangangailangan at ang higit na makakatugon nito ay mga kabataan”pahayag ni Fr. Nuguid sa panayam ng Radyo Veritas.

Nagagalak naman ang Pari na aktibo ang mga kabataan sa iba’t-ibang parokya sa Diyosesis ng Balanga.

“Sa pagpunta namin sa ibat-ibang Parokya mas marami na ang mga kabataan kaysa sa mga may edad na”.kuwento ni Fr. Nuguid.

Tiniyak naman ng Pari na paiigtingin ng Diocesan PPCRV ng Diocese ng Balanga ang information dessimination at voters education lalo na’t papalapit na ang halalan.

“Katulad pa din ng dati ang PPCRV ay nakikipag-ugnayan sa COMELEC, sa PNP at sa DepEd, yun ang ginagawa ng Simbahan na pakikipag-collaboration pero sa loob ng Simbahan patuloy yung paanyaya para dumami yung mga volunteers sa magiging eleksyon sa May 2022” paglalahad ng Pari.

Batay sa datos ng Commission on Election o COMELEC, 56 na porysento ng mga rehistradong botante ngayong halalan ay napapabilang sa edad na 18 hanggang 41.

Tinatayang nasa 7.29 million ng mga botante ang nasa Central Luzon kung saan napapabilang ang lalawigan ng Bataan o ang Diyosesis ng Balanga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 14,838 total views

 14,838 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 28,798 total views

 28,798 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 45,950 total views

 45,950 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,226 total views

 96,226 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,146 total views

 112,146 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 31,317 total views

 31,317 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 44,609 total views

 44,609 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top