Filipino voters, hinimok ng SVD Philippines na matalinong makisangkot sa May 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 912 total reads

Nanawagan ang SVD Philippines sa mga Filipino na aktibo at matalinong makisangkot sa nakatakdang May 9, 2022 national at local elections.

Sa isang opisyal na pahayag na ibinahagi ng Divine Word Missionaries kasabay ng Dakilang Kapistahan ni San Jose, iginiit ng kongregasyon ang kahalagahan ng pakikisangkot ng bawat isa maging ng Simbahan sa paghahanda sa kabuuang proseso ng halalan.

Ayon sa SVD Philippines, bahagi ng moral at prophetic duty ng mga Kristiyano’t Katoliko ang pagsusulong ng kabutihan ng nakararami sa pagpili ng karapat-dapat na mga opisyal ng bayan.

Sinabi ng SVP Philippines na maituturing na pagtataksil sa misyon at tawag ng Simbahan ang pananahimik at pagsasawalang bahala sa mga nagaganap sa lipunan.

Ipinaalala ng kongregasyon na kinabukasan ng bansa at mamamayan ang nakataya sa darating na halalan.

Ipinagdarasal ng kongregasyon ang matalinong paghalal ng mga botante ng mga lider na muling makapagbabalik ng kultura ng buhay, katotohanan, katarungan at ganap na demokrasya ng bansa.

“In this crucial period of political transition, it is our prophetic and moral duty to speak out. To say nothing would be a betrayal of our calling and mission. So much is at stake in the coming elections. The choice of good leaders will play a vital role in restoring the culture of life and democracy, truth and justice that had been so trampled upon in recent years.” pahayag ng SVD Philippines.

Kabilang sa mga kongkretong rekomendasyon ng SVD Philippines ay ang pagtiyak na bumoto ang lahat; pagbubuo ng circles of discernment sa bawat komunidad; ang pagpapalaganap ng voters’ education;pakikisangkot at pakikibahagi sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) upang matiyak ang katapatan at kaayusan ng nakatakdang halalan.

Nagbahagi naman ng apat na pamantayan ang SVD Philippines para sa matalinong pagpili ng mga botante ng mga bagong lider ng bansa.

Kabilang dito ang karakter ng isang kandidato na pagpapamalas ng katapatan at paggalang sa karapatang pantao ng kapwa; ang kakayahan at kagalingan kung saan dapat may sapat na karanasan, academic achievement at maayos na track record ang isang kandidato.

Binigyang diin rin ng Divine Word Missionaries na mahalaga ang commitment ng mga kandidato sa ganap na pagsusulong ng dignidad ng bawat mamamayan sa lalu na ang mga maralita at mga katutubo.

Tinukoy rin ng SVD Philippines na mahalaga ang kredibilidad ng isang kandidato na sumusunod sa mga batas, nagbabayad ng buwis, walang bahid katiwalian at hindi kabilang sa political dynasty.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 8,704 total reads

 8,704 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,942 total reads

 8,942 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 24,903 total reads

 24,903 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 147,207 total reads

 147,207 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 197,570 total reads

 197,570 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 324,628 total reads

 324,628 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 408,899 total reads

 408,899 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top