Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pabahay na walang livelihood, pamasko lamang sa mga bulag

SHARE THE TRUTH

 3,262 total views

Maagang pamasko para sa mga informal settlers ang ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government.

Ito ay matapos ipamahagi sa 45 informal settler families ang Micro-medium Rise Building and Livelihood Center Project sa Brgy. Ampulang Lupa,Pandi,Bulacan.

Ayon kay DILG Sec. Ismael Sueno, ang 45 pamilyang ay beneficiaries na mula sa Pinagsamang Mamamayang Maralita sa Tabing-Ilog Association Corporation (PMMTIAC), isang People’s Organization na nakatira sa San Juan River, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Gayunman hindi itinuturing na pamasko ni Fr. Pete Montallana – Lead Convenor ng Sikap Laya Incorporated, ang paglilipat sa mga informal settlers sa pabahay sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa pari, bagama’t sinabi ng DILG na may inilaan itong livelihood program para sa mga pamilya, ay hindi ito tunay na nakatutulong upang kumita ang mga pamilyang na-relocate ng salaping sasapat sa kanilang pangangailangan.

“Pamasko yan sa mga bulag, kasi hindi naiintindihan ng DILG, ang walang hanapbuhay ay parang pinapatay mo ang tao,” pahayag ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.

Tinatayang 30 milyong piso ang halaga ng MMRB, kung saan ang 18 milyon ay ginamit para sa 45 mga bahay at ang 12 milyong piso naman ay inilaan sa livelihood program ng mga pamilya.

Sang-ayon nga sa katuruan ng simbahang katolika, tungkulin ng pamahalaan na pangasiwaan at bigyan ng mabuting estado ng pamumuhay ang mamamayan lalo na ang mahihirap nating kababayan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 71,036 total views

 71,036 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 78,811 total views

 78,811 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 86,991 total views

 86,991 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 102,597 total views

 102,597 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 106,540 total views

 106,540 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas NewMedia

CBCP, nababahala sa kalusugan ng mga OFW

 3,584 total views

 3,584 total views Pinaalalahanan ng isang Pari ang mga Overseas Filipino Workers na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Price monitoring policy, ilalabas ng DOE

 3,216 total views

 3,216 total views Nakatakdang maglabas ng isang polisiya ang Department of Energy upang mahigpit na masubaybayan ang mga presyo ng petrolyo sa merkado at maprotektahan ang

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Bakuna, population control ng gobyerno

 3,221 total views

 3,221 total views Salapi ang nakikitang dahilan ni Dr. Dolly Octaviano, President ng Doctors for Life Philippines kung bakit patuloy ang pagsusulong sa paggamit ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top