13,016 total views
Nagpapasalamat ang Coca Cola Foundation na maging katuwang ang Simbahan Katolika sa layuning makatulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Ito ang inihayag ng pribadong grupo matapos na makipag-tulungan sa Caritas Philippines at Diocese of Kabankalan sa pamamahagi ng mga shelter repair materials sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa Negros Occidental.
Ayon kay Ms. Cynthia Alcantara, tagapamuno ng Coca Cola Foundation, nakita nila ang kakayanan ng Simbahan sa pagsasagawa ng pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad dahil na rin sa kasanayan nito sa mga ganitong gawain.
“Alam namin na ang Caritas Philippines ay meron network of Dioceses all over the country alam nila yun nangyayari on the ground at alam nila sino ang nangangailangan kaya kami nakipag partner sa Caritas Philippines dahil alam nila sino talaga ang nangangailangan” pahayag ni Alcantara sa panayam ng Radio Veritas.
Nagpapasalamat ang Coca Cola Foundation sa masigasig na pagsisikap ng Simbahan na makatulong sa mga biktima ng kalamidad.
“To Caritas Philippines and Diocese of Kabankalan maraming salamat sa partnership maraming salamat sa opportunity to work with you and to help those who need our help the most in times that is so critical you are a reliable partner” ani Alcaltara.
Tiwala ang Coca Cola Foundation na magpapatuloy ang kanilang ugnayan sa social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines lalo na sa panahon ng kalamidad at maging sa iba pa nilang adbokasiya o proyekto.
“In terms of disaster we are ready to partner when there is a disaster. [We]are ready to help, we are also doing water project so if there is water or waste [management] project recycling project that we can partner with we are open to that working with the church on that” dagdag pa niya.
Aabot sa 28, 663 pamilya ang matutulungan ng partnership sa pagitan ng Caritas Philippines at Coca Cola Foundation sa 11 Diyosesis ng naapektuhan ng bagyong Odette.