Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

OFW’s sa Hongkong, nangangailangan ng tulong

SHARE THE TRUTH

 637 total views

Patuloy na nangangailangan ng tulong ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong.

Ito ang pagbabahagi ni Dolores Balladares-Pelaez, Chairperson ng MIGRANTE – HONG KONG isang buwan matapos maranasan ang COVID-19 surge sa bansa.

Ayon sa MIGRANTE, nanatiling mahirap para sa mga OFW na asikasuhin at makipag-ugnayan sa Consulate General of the Philippines in Hong Kong upang makamit ang 200-USD na financial subsidies mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Sa kasalukuyan, suliranin para sa mga nagpositibong O-F-W ang kakulangan ng sariling isolation facility.

“Pero ang situation nalang dahil hindi naman yan- kung sa Philippines Consulate naman natin, hindi kasi lahat nari-reach out ng ating Philippines consulate, ibig sabihin may issue parin kami noong una yung hotline na may mga complaint parin sa hotline na pagbalik sa amin hindi sila maka-contact parin sa consulate,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Pelaez.

Iniulat ni Pelaez na bahagyang bumuti ang kalagayan ng OFW matapos dagdagan ng Hong Kong government ang mga isolation facilities para sa mga mahahawaang Migrant workers.

Kaakibat nito ang pagpapataw ng multa na aabot sa HKD 100,000 sa mga employers na sapilitang tatanggalin ang kanilang mga Domestics Helpers (DH) sakali mang mahawaan ng COVID-19.

“Gumawa rin sila ng mahigpit na policies, yung mga employer kung magti-terminate ay mapa-fine ng 100-thousand Hong Kong dollars. Tinitiyak din naman nila o ginagawan nila ng paraan na yung worker ay malipat kung mag-positive sa ibang lugar,” pagbabahagi pa ni Pelaez.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,688 total views

 70,688 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,683 total views

 102,683 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,475 total views

 147,475 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,446 total views

 170,446 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,844 total views

 185,844 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,422 total views

 9,422 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Caritas Philippines, pinarangalan ng DILG

 17,475 total views

 17,475 total views Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad ng Department of Interior and Local

Read More »

Higher Education Institutions, kinundena ng CEAP

 17,025 total views

 17,025 total views Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’. Inaalok ng H-E-I ang

Read More »
Scroll to Top