Maging mulat sa nagaganap sa daigdig, paalala ni Bishop David sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Lawakan pa ang atensyon sa mga nagaganap hindi lamang sa bansa kundi sa buong daigdig.

Ito ang panawagan sa bawat Filipino ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa patuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa banal na misa para sa Consecration of Russia and Ukraine to the Immaculate Heart of Mary kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Panginoon o Solemnity of the Annunciation of our Lord, binigyang diin ng Obispo na bagamat mahalagang maging mapagbantay sa May 2022 elections ay dapat maging mulat ang kamalayan ng lahat sa iba’t-ibang panganib na kinahaharap ng daigdig.

“Alam ko nakatuon ang pansin nating lahat ngayon sa eleksyon dito sa Pilipinas pero mga kapatid lawak-lawakan naman natin ang atensyon natin dahil nanganganib, nanganganib ang daigdig.”
panawagan Bishop David.

Ayon sa Obispo, naaangkop na pagkakataon ang panahon ng Kuwaresma upang higit na magdasal at ipanalangin na ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa sa kapahamakan tulad ng COVID-19 virus at ang banta ng pandaigdigang digmaan mula sa kaguluhan nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Tiniyak ni Bishop David na ang pananalangin ay pinaka-epektibong tugon sa oras ng kawalan ng pag-asa at kawalan ng tiyakan sa buhay.

“Siguro kaya biglang dumami ang tao noong Ash Wednesday parang biglang naging totoo sa ating lahat hindi lang dahil sa COVID-19, ngayon dahil sa giyera na ang tao puwede niyang pulbusin ang daigdig, gawing abo. Nandoon na tayo sa bingit ng bangin malapit na malapit na, andito tayo ngayon desperado kaya kailangan nating magdasal.” Dagdag pa ni Bishop David.

Nagsimula ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine noong ika-24 ng Pebrero kasunod ng tangkang pananakop ng Russia sa Ukraine kung saan tinatayang umaabot na sa 3-milyong mga Ukrainians ang napilitang umalis ng bansa dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Patuloy na nakikiisa ang C-B-C-P sa panawagan ng Santo Papa Francisco na pananalangin para sa muling pagtatalaga sa Russia at Ukraine sa pangangalaga ng Kalinis-linisang Puso ni Maria upang makamit ang kapayapaan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,232 total reads

 4,232 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,186 total reads

 28,186 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,746 total reads

 68,746 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,330 total reads

 95,330 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,596 total reads

 143,596 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,398 total reads

 164,398 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,234 total reads

 4,234 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,914 total reads

 8,914 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top