LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 81,698 total views

Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka.

Ito ang ibinahagi ni Ms. Rowena Gabuya, ang program coordinator ng Pondo ng Pinoy sa lalawigan ng Biliran sa programang Caritas in Action.

Ayon kay Gabuya, ilang mga lingkod ng Simbahan na siya rin mga magsasaka ang nakikinabang ngayon sa kanilang proyekto katuwang ang Pondo ng Pinoy.

“Ito po ay ginawan namin ng proposal at nabigyan kami ng pondo ng Pondo ng Pinoy ito ay naglalayon i-angat ang pagiging produktibo ng ating mga Lay Ministers na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance. ang halaga na binigay ng Pondo ng Pinoy ay umabot sa P300,000” pagbabahagi ni Gabuya.

Tinatawag ang proyekto na Lowland Rice Production of Lay Ministers Farmers Association o LAYMIFAS Kung saan sa loob ng isang taon ay susuportahan ng Pondo ng Pinoy at ng Diyosesis ang 2 beses na pag-tatanim ng mga benepisyaryong magsasaka.

Aminado si Gabuya na pagsasaka pa din ang pangunahing hanapbuhay sa kanilang lalawigan.

“Ang maganda lang po sa aming lugar kapag may mga ganitong sitwasyon hindi nawawala ang pagdarasal sa Diyos… hindi po ito mawawala sa amin kahit anong hirap ang mga tao tumutugon sa Simbahan at sa Diyos.” pahayag ni Gabuya.

Nagpapasalamat ang Ginang at ang Diyosesis ng Naval sa mga patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa Pondo ng Pinoy na mula sa mga bentesingko sentimos ay nakakapagdulot ng malaking tulong sa mga higit na nangangailangan.

“Sa mga nagbibigay na, kami po sa Diocese of Naval ay kumakatok sa inyong mga puso na ipagpatuloy ang pag-popondo at pagbbigay ng mga barya para sa ating mga kababayan, sa mga kabataan at sa mga Pamilya na nagangailangan para ipagpatuloy na makamit ang kaganapan ng buhay.” pagtatapos ni Gabuya.

Magugunitang taong 2004 nang simulan ni noo’y Manila Archbishop Gaundencio Cardinal Rosales ang Pondo ng Pinoy kung saan tinitipon ang gma bente singko sentimos at ginagamit sa mga programa para sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 92,801 total views

 92,801 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 114,911 total views

 114,911 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 189,586 total views

 189,586 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 186,532 total views

 186,532 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 70,380 total views

 70,380 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top