Synodality in action, isinasabuhay sa pagtitipon ng FABC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 768 total reads

Inilarawan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang sama-samang paglalakbay bilang magkakapatid sa pagtitipon ng Asian bishops sa Federation of Asian Bishops Conference.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos ng CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino, naisabuhay sa pagpupulong ang Synodality ng Kanyang Kabanalan Francisco ang paksang pinagtutuunan ng mga obispo sa Asya.

“This general conference of FABC at 50 years is indeed a Synodality in action, our collegiality in practice. We feel as one family, walking together as one for well-being of the Church and working hand in hand under the vision and mission of our Holy Father, Pope Francis,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng obispo na tampok sa mga talakayan ang pagpapaigting ng simbahan sa paglilingkod sa mananampalataya sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

Tema sa ika – 50 anibersaryo ng FABC ang “Journeying together as peoples of Asia … then they went another way” na naglalarawang bagamat magkaiba ang hamong kinakaharap ng simbahan ng bawat bansa ay mahalaga ang pagbubuklod tungo sa mas matibay at maunlad na pananampalataya.

Ibinahagi ni Bishop Santos na 270 opisyal ng simbahan ang dumalo sa pagtitipon kung saan 200 dito ay mga obispo at 17 ang mga cardinal mula sa 29 na bansang kasapi ng FABC.

Una nang sinabi ng CBCP na tatalakayin nito sa pagpupulong ang resulta ng isinagawang synodal consultations sa 86 na mga diyosesis sa bansa.

Ginaganap ang FABC General Conference sa Archdiocese of Bangkok sa Thailand mula noong October 12 hanggang October 30.
Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng CBCP ang delegasyon ng Pilipinas kasama ang mga opisyal ng permanent council.

Itinatag ang FABC noong 1970 kasunod ng pagdalaw ni Pope, St. Paul VI sa Pilipinas na nasaksihan ang buhay na pananampalataya sa Asya lalo na ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 244,968 total reads

 244,968 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 276,697 total reads

 276,697 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 378,523 total reads

 378,523 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 419,084 total reads

 419,084 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 429,394 total reads

 429,394 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top