Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Ang October 10 ay ang tinaguriang World Mental Health Day. Marami ng development sa buong mundo ukol sa pangangalaga sa mental health ng mga mamamayan. Mas nabibigyan na ito ng atensyon ngayon sa maraming mga bansa sa buong mundo, mas mataas na ang awareness ng maraming mga bansa ukol dito. Dati-rati, taboo ang usapang ito, pero ngayon, unti unti ng nagiging bukas ang lipunan ukol sa isyu ng mental health.

May developments man, kailangan pa rin nating kumilos para sa mas malawak na kasulungan nito. Ang mental health kasi ay karaniwang may kaakibat na takot, stigma, at diskriminasyon. Kaya kahit marami na ang mas aware ukol dito, hindi nangangahulugan na mas marami na ang nakakaunawa nito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), bago pa man mag-pandemya, tinatayang isa sa walong tao ang nabubuhay na may mental disorder. Mas naging mahirap ang sitwasyon nila, lalo noong pandemya, dahil ang mga suporta at serbisyong kailangan nila ay naantala dahil sa mga mobility restrictions. Ngayong nagbukas na ang mga ekonomiya sa buong mundo at halos business at usual na, kailangang hindi lamang kamalayan o awareness sa mental health ang tumaas, kundi ang access din sa serbisyo na kailangan para dito.

Mas kailangan natin ng skills at services para dito ngayon dahil pinalala ng pandemya ang mga karaniwang isyu ng mental health. Sabi nga ng WHO, tumaas ng 25% ang anxiety at depressive disorders sa unang taon ng pandemya. Pagdating sa mga isyung ito, ang mga seniors, ang mga bata at babaeng nasa mga bayolenteng tahanan, pati ang mga may kapansanan ang karaniwang walang mapuntahan. Kung hindi natin i-extend at palalawigin ang mental health services, paano na sila?

Kapanalig, ngayong darating na 2023, mas malaki ang budget ng pamahalaan para sa mental health. Magandang balita ito para sa ating bayan. Malayo ang maabot nito kung gagamitin sa wastong paraan. Malaki  ang magagawa nito para sa tinatayang 3.6 milyong Filipino nakaranas ng mental disorders noong kahitikan ng pandemya, kaya kailangang bantayan ito.

Sabi ni Pope Francis, kailangan nating mag-reach out o abutin ang mga indibidwal na nakakaranas ng depresyon, at ng mental, emotional, affective, and physical exhaustion. Pakatandaan natin na ang mental health issues ay karaniwang naka-kubli sa pagtitiis, sa pilit na mga ngiti at tawa, sa paglimot, sa pagkataranta at sa iba pang pagbabalatkayo. Bilang magkakapatid na nilikha sa imahe ng Panginoon, ating obligasyon na hanapin at lapitan ang mga nakakubling lumuluha at pagod sa paligid natin, at tulungan silang unti-unting makabangon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 80,700 total reads

 80,700 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,180 total reads

 115,180 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,480 total reads

 150,480 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 376,749 total reads

 376,749 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 265,819 total reads

 265,819 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 80,701 total reads

 80,701 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,181 total reads

 115,181 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,481 total reads

 150,481 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 376,750 total reads

 376,750 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top